news

Showtime bids farewell to madlang pipol?

by Nerisa Almo posted on January 28, 2012  STATS: 111898 Views | 359 Comments

"Dear Lord God, we just wanna thank you, for this journey. We thank you, Lord, for Showtime. We thank you for all the challenges, the triumphs, the laughter," said Anne Curtis (center) in her prayer during the "last episode" of the talent-search program on January 28.

Other thankful co-hosts in the "last episode" included: Vice Ganda, Vhong Navarro (left), Billy Crawford, Karylle, Kim Atienza (right), Teddy Corpuz, and Juggy Jugueta.

Photo By: Noel Orsal


Nagpaalam na nga ba ang programang Showtime sa mga manonood ngayong Sabado, Enero 28?



Mahigit dalawang taon din ang tinagal ng talent-search show na ito, na nagsimula noong October 2009.

Matatandaan na nagsilbi ding filler ang show nang mawalan sandali ng noontime show ang ABS-CBN.



At nang mabalita kamakailan ang pagtatapos ng Happy Yipee Yehey! may mga espekulasyon na muling i-e-extend ang Showtime para punan ang noontime slot ng Kapamilya network.



Kaya naman marami ang nagulat dahil tila biglaan ang sinasabing last episode ng Showtime.



Bilang kapalit, ibabalik ng ABS-CBN ang Kapamilya Blockbuster sa
time slot na maiiwan ng nasabang programa.



Susundan ito ng panibagong teleserye na Mundo Man ay Magunaw.



Ang dalawang programa ay sabay na magsisimula sa Lunes, Enero 30.

LAST EPISODE? Sa umpisa ng show, bumati ang mga host nito na sina Anne Curtis, Vice Ganda, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Kim Atienza, Teddy Corpuz, and Juggy Jugueta.



Paulit-ulit nilang pinasasalamatan ang studio at home audience nila,
na kanilang binansagan na "madlang pipol."



Bagamat walang mga contestant, punung-puno pa rin ang programa ng mga performance mula sa kanilang mga nakaraang celebrity hurado.



Ito ay kinabibilangan nina Jed Madela, Vina Morales, Robert Sena,
Juris Fernandez, Nyoy Volante, Yeng Constantino, Jet Pangan, Sitti, at
Yael Yuzon.



Nagkaroon din ng dance production sina Iya Villania, Ryan Bang, at
Jhong Hilario.



Nagmistulang opening act ito ng show dahil kasabay nilang sumayaw ang mga host at studio audience.



Dumalo rin sa tinatatawag na "huling episode" ng Showtime sina Gladys Reyes at Dimples Romana, na dati ring naging hurado.



Samantala, sa pagitan ng mga segment gap, may video na ipinalabas kung saan tampok ang iba pang celebrity na nag-guest sa show at mga naging contestants nito.



May video rin kung saan ang Showtime dancers at iba pang staff ng show ay nagpahayag ng kanilang masasayang sandali sa programa.

THANK YOU, SHOWTIME. Sa huling gap, muling lumabas ang hosts ng show.

Sa puntong ito, nagbigay ng tribute ang bawat isa sa kani-kanilang mga co-host.



Naging emosyonal si Anne at napaiyak habang pinasasalamatan ang mga co-host at mga manonood.



Si Vhong naman ay naiyak din matapos gayahin si Billy sa kanyang
tanyag na dance step. Naging malapit silang dalawa dahil sa programa.

Napaiyak din si Vice dahil naging maganda raw ang pagtanggap ng Showtime sa kanya.



"Hinayaan ninyo akong maging ako. Wala kayong binago sa akin... Hindi n'yo ako kinukwestiyon at hindi n'yo ako hinuhusgahan," aniya.

Matapos magpasalamat si Vice ay kinantahan niya si Anne Curtis.

Inalay naman ni Anne ng "True Colors" ang kaniyang sister sa show na si Karylle.

Si Karylle naman ay nagpasalamat sa co-host niyang si Kuya Kim. Inalay niya ang kantang "You've Got a Friend" sa kanya.

Nagpasalamat naman si Kuya Kim dahil nagkaroon siya ng pagkakataong makasama ang mga co-host.

Sinabi niya rin na noon ay in-underestimate niya si Jugs, at kinantahan naman niya ito ng "Let It Be."

Si Jugs naman ay pinasalamatan ang kapwa rock artist na si Teddy, na kanya ring kinantahan.

Nang si Teddy na ang magpapasalamat, hindi na siya nakapagsalita dahil sa sobrang pag-iyak.

Aniya, nalalapitan daw niya ang co-host na si Vhong: "Maasahan mo siya palagi, anytime," ani Teddy.

Tulad ni Teddy, naiyak din si Billy nang pasalamatan niya sina Vhong
at Vice, na inalayan niya ng isang sayaw.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

359 Comments

  • 319  antivirus2

    01/29/2012 | 03:28 PM
    wqalang kakabog sa eat bulaga..hahahahahhaaha..kya nga ang abs cbn pilit na lumalapit sa mga host ng eat bulaga kumbaga inuunti unti nila ang eat bulaga pra sa pagdating ng panahon mapilit nilang lumipat sa abs ang eat bulaga...kya gma gcing kau inuunti unti ang mga host nito..kung napapansin nyo yn.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 318  Sodalover1

    01/29/2012 | 02:56 PM
    Marian was awarded as VALENTINE's BOX OFFICE QUEEn in 2009 during the 40th Guillermo Memorial Mendoza Scholarship Awards- it is ON RECORD. Ngayon KALIKA, kung hindi ka marunong MAG RESEARCH then just SHUT UP your mouth dahil napaghahalata kang KULANG ka KAALAMAN!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 317  Sodalover1

    01/29/2012 | 02:52 PM
    Ang GULO namang magsalita nitong si KALIKA! I DON'T CARE ABOUT SIRAH, ang pinaguusapan natin si Marian, bat mo pinapasok si ngo-ngo??!! I NEVER SAID na BOX OFFICE QUEEN si MArian, ang sabi ko, VALENTINE's BOX OFFICE QUEEN SYA- laking diperensya pero hindi mo makuhakuha! Eng eng ka ba??!! Another thing, HINDI ang mga theater owner ang mahilig mag PADDING kundi ang mga prraaaaiiiisssseeee release ng abscbn! I don't want to dwell anymore on people who are slooooww in comprehension.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 316  kalika

    01/29/2012 | 02:35 PM
    kumain ka ng protina at wag puro asukal iniinom mo para magkaron ng laman ulo mo SODA. at subukan mo ring manood ng ibang channel na ndi local para ndi puro teleserye lang laman ng ulo mo. maige sana kung magaling umarte yung pinapanood mo...kawawa nga dahil ilan lang magagaling, umalis pa yung iba. tsk tsk tsk.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 315  Sodalover1

    01/29/2012 | 02:33 PM
    Kasi NUMBER 1 sila kaya tsugi ang mga shows!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 314  kalika

    01/29/2012 | 02:29 PM
    naku padding...YAN EH SALITANG INIMBENTO NG MGA KAPUGAK NA GAYA MO SODA!...hindi magpapadding ang i re report ng mga movie theater dahil dagdag tax yan sa kanila....ANG HINA TALAGA NG ULO...wala akong sinabing dinagdag mo...TALAGA LANG MAHINA KA! tama na itinama mo ako sa marimar at mbfg...dapat don mo isinunod ang ignorante...pero inilagay mo sa box office... eh tama yung sinabi kong 2008 box office queen si sarah...at bayad lang naman yung title ni marian kasi there's no such title even before or after that yr..GUMAMIT KA NG TAMANG SALITA. syhunga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 313  AVISALA_kapusO

    01/29/2012 | 02:27 PM
    oiii mga kapams..may nagsulat nman sa isang pahayagan na galing daw sa isang insider mula sa abs-cbnn na ang sususnod na na programa na mawawala bila sa ere ay ng B00oboy ahh este BUDOY..at isa pa ang budoy ang ika tatlong shows ang papalitan ng dos..after binondo at nasaan ka eliza.. grabe ang kapams ano for the 1st quarter ng 2012 halos lahat pinapalitan ang sabi ng isang abs-cbn insider na 8 pa shows ang magbababoo 1.nasaan ka eliza 2.binondo girls 3.e-ive 4.Happy Yipee Yheey 5.ikaw ay pagibig 6.reputasyon 7.wansapanatym 8.budoy at 2 ang irereformat.. isa na dito ang UKG at IT'S SHOWTIME..abs-cbn also thinking kung ibibid goodbye na ang rated K,maria la del bario at ted failon ngayon.. woow total change talaga ang abs..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 312  Sodalover1

    01/29/2012 | 02:24 PM
    Anu ba yan KALIKA, make sure kung iko korek mo ko, TAMA ang mga pinagsasabi mo ha? wag mong DAGDAGAN yung comments ko para lang magmukhang mali! Mana ka tlga sa mahal mong istasyon- mahilig sa PADDING at PANDARAYA! VOVO! IGNORANTE!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 311  kalika

    01/29/2012 | 02:24 PM
    o kaya yung magpalaglag dahil masisira ang career? mas matindi yun!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 310  kalika

    01/29/2012 | 02:22 PM
    please lang...kahit ndi manood ang bata ng tv alam na yun dahil sa naglimpana na sa labas ang beki na may bf. .. at least yun inaasahan na sa beki na ganon...eh yun kayang mang agaw ng bf o kaya mangkulong ng tao dahil sa selos? NDI BA BAD INFLUENCE DIN YUN?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 309  kalika

    01/29/2012 | 02:20 PM
    ako pa raw...itinama mo ako pero tama naman ang sinabi ko...sino kaya sa atin ang mahina at ignorante...eh di ikaw.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 308  Sodalover1

    01/29/2012 | 02:19 PM
    BAD INFLUENCE si VICe Ganda! Biro mo sa isang interview sabi nya MAY NAKATALIK na daw syang lalaki na nasa SHOWBIZ! EW! yuck!!! Kaya yung mga pamangkin ko hindi ko pinapanood sa showtime KASI WALANG KWENTA ang mga pinagsasasabi nya! Plus ang show mismo parang palengke sa sobrang INGAY at GULO!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 307  Sodalover1

    01/29/2012 | 02:15 PM
    Hahahah sa kaVOVOHAN ni KALIKA! hahaha! Go back to my comment -again, it was in 2009 during the 40th Guillermo Memorial Awards nung ginawad sa kanya ang VALENTINE's BOX OFFICE QUEEN award! HINDI KO SINABING 2009 VALENTINE's BOX OFFICE QUEEN sya! hahaha! VOVO! IGNORANTE! hahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 306  kalika

    01/29/2012 | 02:06 PM
    paanong naging bad influence si vice...eh mas matindi pa nga magbigay ng comment si joey de leon dun. O? yung segment ni ogie at michael na may yaya sa bubble gang...ndi ba mas bad influence yun? oh please...mabait lang ngayon si joey dahil ndi na in power ang hipag nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 305  kalika

    01/29/2012 | 02:04 PM
    mas ignorante ka....nxt year after kaya nagbibigay ng award para sa box office...kung 2008 ang movie...2009 ang award...kaya tawag pa rin don 2008 box office queen...either way...HINDI SYA ANG NANALO...may pa valentine valentine pa...magkano kaya binayad? baka lechon na at ndi na sardinas! ha ha ha... naalala ko yun ksi sinundan ko ang orig na marimar...tiningnan ko yung remake. pero ndi ako sumunod sa remake. maganda lang sa umpisa..pero ndi carry nung naging mayaman na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 304  Sodalover1

    01/29/2012 | 02:00 PM
    Ito ang show na parang PALENGKE sa sobrang GULO at INGAY! And Vice Ganda is such a BAD INFLUENCE!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 303  Sodalover1

    01/29/2012 | 01:56 PM
    LOL AT KALIKA! In fairness, mas naalala mo kung kelan natapos ang Mariamr! hahaha! MBGF was shown on FEB. 13 2008 while Mariamr STARTED on August 13, 2007- nevertheless, KASAGSAGAN pa rin ng MARIMAR nung pinalabas ang MBGF at UULITIN KO, pinanood ko yung movieng yan BECAUSE of MARIAN RIVERA! At i research mo neng, it was in 2009 during the 40th Guillermo Memorial Awards nung iginawad sa kanya ang VALENTINE's BOX OFFICE QUEEN! IGNORANTE!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 302  kalika

    01/29/2012 | 01:47 PM
    at kung mali man ako... sabihin na 2008 ginawa yan...si richard pa rin ang nagdala dahil consistent na mataas ang kita ng movies ni richard while sya ndi. AT si SARAH ANG BOX OFFICE QUEEN NG 2008...pangbalat sibuyas lang yang valentine box office...kasi ndi na nasundan yon...HA HA HA..yan ang ibinayad!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 301  Sodalover1

    01/29/2012 | 01:47 PM
    At everytime nagtatapat ang GMA FILMs at star cinema, sa KANGKUNGAN pinupulot ang dos! LET THE LOVE BEGin vs dreamboy, TWEEN ACADEMY vs way back home! hahAHA! kahit nga regal films TINATALo rin ang star cinema- MY NEIGHBOR's WIFE vs ikaw ang pag-ibig. hahahAH! Kala ko ba waLANG KApintasan anG Movie outfit na yan !
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 300  kalika

    01/29/2012 | 01:45 PM
    sodalover wag kang sinungaling. ugali talaga... feb ang mbgf... marimar makalampas na ng summer...paano kayang si marian ang nagdala non?...eh kung tutuusin wala naman talagang title na ganon...pag sinabing box office, kundi season eh pang buong taon yun. isa pa... mbgf...2007 box office queen eh si BEA. magising ka nga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About