"Dear Lord God, we just wanna thank you, for this journey. We thank you, Lord, for Showtime. We thank you for all the challenges, the triumphs, the laughter," said Anne Curtis (center) in her prayer during the "last episode" of the talent-search program on January 28.

Other thankful co-hosts in the "last episode" included: Vice Ganda, Vhong Navarro (left), Billy Crawford, Karylle, Kim Atienza (right), Teddy Corpuz, and Juggy Jugueta.

Photo: Noel Orsal


Nagpaalam na nga ba ang programang Showtime sa mga manonood ngayong Sabado, Enero 28?



Mahigit dalawang taon din ang tinagal ng talent-search show na ito, na nagsimula noong October 2009.

Matatandaan na nagsilbi ding filler ang show nang mawalan sandali ng noontime show ang ABS-CBN.



At nang mabalita kamakailan ang pagtatapos ng Happy Yipee Yehey! may mga espekulasyon na muling i-e-extend ang Showtime para punan ang noontime slot ng Kapamilya network.



Kaya naman marami ang nagulat dahil tila biglaan ang sinasabing last episode ng Showtime.



Bilang kapalit, ibabalik ng ABS-CBN ang Kapamilya Blockbuster sa
time slot na maiiwan ng nasabang programa.



Susundan ito ng panibagong teleserye na Mundo Man ay Magunaw.



Ang dalawang programa ay sabay na magsisimula sa Lunes, Enero 30.

LAST EPISODE? Sa umpisa ng show, bumati ang mga host nito na sina Anne Curtis, Vice Ganda, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Kim Atienza, Teddy Corpuz, and Juggy Jugueta.



Paulit-ulit nilang pinasasalamatan ang studio at home audience nila,
na kanilang binansagan na "madlang pipol."



Bagamat walang mga contestant, punung-puno pa rin ang programa ng mga performance mula sa kanilang mga nakaraang celebrity hurado.



Ito ay kinabibilangan nina Jed Madela, Vina Morales, Robert Sena,
Juris Fernandez, Nyoy Volante, Yeng Constantino, Jet Pangan, Sitti, at
Yael Yuzon.



Nagkaroon din ng dance production sina Iya Villania, Ryan Bang, at
Jhong Hilario.



Nagmistulang opening act ito ng show dahil kasabay nilang sumayaw ang mga host at studio audience.



Dumalo rin sa tinatatawag na "huling episode" ng Showtime sina Gladys Reyes at Dimples Romana, na dati ring naging hurado.



Samantala, sa pagitan ng mga segment gap, may video na ipinalabas kung saan tampok ang iba pang celebrity na nag-guest sa show at mga naging contestants nito.



May video rin kung saan ang Showtime dancers at iba pang staff ng show ay nagpahayag ng kanilang masasayang sandali sa programa.

THANK YOU, SHOWTIME. Sa huling gap, muling lumabas ang hosts ng show.

Sa puntong ito, nagbigay ng tribute ang bawat isa sa kani-kanilang mga co-host.



Naging emosyonal si Anne at napaiyak habang pinasasalamatan ang mga co-host at mga manonood.



Si Vhong naman ay naiyak din matapos gayahin si Billy sa kanyang
tanyag na dance step. Naging malapit silang dalawa dahil sa programa.

Napaiyak din si Vice dahil naging maganda raw ang pagtanggap ng Showtime sa kanya.



"Hinayaan ninyo akong maging ako. Wala kayong binago sa akin... Hindi n'yo ako kinukwestiyon at hindi n'yo ako hinuhusgahan," aniya.

Matapos magpasalamat si Vice ay kinantahan niya si Anne Curtis.

Inalay naman ni Anne ng "True Colors" ang kaniyang sister sa show na si Karylle.

Si Karylle naman ay nagpasalamat sa co-host niyang si Kuya Kim. Inalay niya ang kantang "You've Got a Friend" sa kanya.

Nagpasalamat naman si Kuya Kim dahil nagkaroon siya ng pagkakataong makasama ang mga co-host.

Sinabi niya rin na noon ay in-underestimate niya si Jugs, at kinantahan naman niya ito ng "Let It Be."

Si Jugs naman ay pinasalamatan ang kapwa rock artist na si Teddy, na kanya ring kinantahan.

Nang si Teddy na ang magpapasalamat, hindi na siya nakapagsalita dahil sa sobrang pag-iyak.

Aniya, nalalapitan daw niya ang co-host na si Vhong: "Maasahan mo siya palagi, anytime," ani Teddy.

Tulad ni Teddy, naiyak din si Billy nang pasalamatan niya sina Vhong
at Vice, na inalayan niya ng isang sayaw.