For a change, Angelika dela Cruz will not play a villainess in GMA-7's upcoming soap, Biritera.

"Oo, nahirapan nga ako e. Sabi ko kay Direk Maryo [delos Reyes], 'Ikaw Direk, ginawa mo pa akong mabait, imbes tuloy na hindi ako aarte, mag-e-effort pa akong umarte.' Tawa siya nang tawa," Angelika says.

 

Photo: Noel Orsal

Nakausap ng PEP.ph si Angelika dela Cruz kagabi, January 27 sa presscon ng Biritera sa Studio 7 ng GMA TV Complex.

Ang una naming kinumusta kay Angelika ay ang pagte-taping nila ni Claudine Barretto na may guest role sa upcoming series ng GMA.

"Okay, kaya lang ano bitin! Kasi two days lang kami nag-taping together, tapos sandali lang."

Ang huli raw nilang pinagsamahan na regular soap ay sa ABS-CBN pa, ang Ikaw Ang Lahat Sa Akin.


"Oo matagal na, ako si Claudine, si John Lloyd [Cruz], si Bea [Alonzo], matagal na, pati pala si Diether [Ocampo]."

Hindi nila unang pagtatagpo sa GMA ang taping para sa Biritera.

"Nag-guest naman ako sa show niya e, yung Claudine tsaka nagki-keep in touch naman kami sa phone so parang ganun pa rin. Nagtsitsikahan kami sa phone e."

Wala ba silang napag-usapan na problema ni Claudine?

"Wala, hindi ako nangingialam. Ang hirap yung ganun e."

Mabait ang role ni Angelika sa Biritera.

"Oo, nahirapan nga ako e. Sabi ko kay Direk Maryo [delos Reyes], 'Ikaw Direk, ginawa mo pa akong mabait, imbes tuloy na hindi ako aarte, mag-e-effort pa akong umarte.'

"Tawa siya nang tawa," ang kuwento ng aktres.

Futbulilits ang huli niyang show sa GMA at salbahe siya roon.

"Oo kaya lang kasi comedy yun e, hindi siya serious na salbahe. "Yung Dwarfina, iyon serious ako dun.

"Before Dwarfina, Pilyang Kerubin, tsaka yung Kaya Kong Abutin ang Langit, yung dalawang yun mabait rin ako, 'tapos yung dalawang sumunod, hindi mabait. Ngayon, mabait na naman."