Higit na positibo ang mga prospects ni Matet de Leon sa kanyang showbiz career ngayong 2012. Umaasa siya na magtuluy-tuloy ang pagta-trabaho niya sa TV at sa pelikula.

"Sana, ano, 'wag namang puro bago ang artista; na puro bago ang nandito," she says.

 

 

Photo: Noel Orsal



Malaki ang naging pasasalamat ni Matet de Leon sa GMA-7 dahil sa magkasunod na TV drama projects na nasalihan niya, ang Ikaw Lang Ang Mamahalin (na nag-last taping, kamakailan); at ang Broken Vow, na kasalukuyang itini-tape.



"Sana ituloy nila [GMA-7] 'yung career ko," sabi ni Matet, sa panayam sa kanya  ng PEP.ph  (Philippine Entertainment Portal) noong Monday, January 23,  sa kanilang tahanan, sa Antipolo City.



Sabi rin ni Matet, "Ako naman, okey ako, e.  Kahit ganito [lang]—kaibigan, nanay, gano'n."

Matet is married to Mickey Estrada, a businessman. They have two daughters, Maria Michaela Alexinne, o Mikka, 7 years old, and Maria Cassandra Eliana, o  Mishka, 4.

Tanggap ng anak ng Superstar ang kasalukuyang estado, bilang isang character actress, sa pelikula at TV.

Gusto lang daw ni Matet na magkaroon ng tuluy-tuloy na assignment.

"Sana, ang GMA, e, lalo pang bumait sa akin," hiling pa ng dating child actress.



Sa Broken Vow ay kasama ni Matet ang mga bidang gumaganap: Bianca King, Gabby Eigenmann, Luis Alandy, at Rochelle Pangilinan.



"Kasama din po namin sina Melissa Mendez at Juan Rodrigo.  Si Gil Tejada, Jr. po ang direktor.  Sa February 6 na po ang [start ng] airing, para sa afternoon prime ng GMA-7," dagdag-impormasyon pa ni Matet.



FRIENDS WITH BARBIE FORTEZA.  Noong December, natapos ang participation ni Matet sa Ikaw Lang Ang Mamahalin.  

Gumanap siya sa naunang afternoon drama series ng GMA-7, bilang butihing yaya ng character ni Barbie Forteza.

Mas naunang natapos ang regular na taping ni Matet sa ILAM, kaya agad daw niyang na-miss ang company ng kanyang co-actors, mga production staff, at iba pang tauhan dito.

"Mahal ko ang mga tao doon.  Mababait sila, lahat sila... magmula sa make-up artist hanggang sa utility, lahat. Close ako sa kanila."

At sa mga kasama niyang artista, "Lalo na kay Barbie [Forteza]," pagtukoy ni Matet.

"Grabe ang batang yan, napakabait na bata!  She deserves all the blessings na natatanggap niya!"

Likewise, Matet has only good words for Barbie's co-star, young actress, Joyce Ching, na gumanap na kontrabida.

Natawa si Matet sa pagre-recall ng closeness niya sa mga young stars na nabanggit.

"Parang tumatanda ako!" sabi niya.

"Pero... kasi, kaya kong pumantay sa level nila; 'yung thinking  ko, parang sixteen-year old din, pag kasama ko 'yung mga bata, na ang gulu-gulo namin!

"'Pag kasama ko si Barbie, pag [taping] break, kaming dalawa, nando'n sa sofa, nanonood kami ng movies, naglalaro kami!" kuwento niya.