Marvin Agustin celebrated his 33rd birthday a day early on January 28 by bringing the kids he helped last year at Operation Smile to Enchanted Kingdom. His six-year-old twin sons, Santiago and Sebastian, were there with him.

Photo: Glen P. Sibonga

Ngayong araw na ito, Enero 29, ang ika-33 na kaarawan ng actor-concert producer-businessman na si Marvin Agustin.

Pero sa halip na magarbong party, mas pinili niyang mag-birthday kasama ng mga bata, na ang ilan ay may harelip na kanyang natulungan nuong isang taon sa pamamagitan ng Operation Smile.

Operation Smile is an international children's medical charity that provides free surgeries for children born with cleft lip, cleft palate and other facial deformities.

Ginanap ang birthday party-charity event ni Marvin kahapon, Enero 28, sa Enchanted Kingdom kung saan itrineat niya ang mga bata sa rides, games, mascot shows, gift-giving at siyempre sa kainan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marvin at tinanong kung bakit napili niya ang ganitong selebrasyon kasama ang mga batang nagka-harelip?

"Maiba naman than my usual birthday celebration.

"Parang mas meaningful ito ngayon and at the same time, these are the kids na hindi ko pa nakikita dahil last year when I helped them, sobrang busy ako and they have to recover.

"Noong December I thought it would be perfect to celebrate my birthday with them," sabi ni Marvin.

Ayon pa sa kanya, hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa niya ito.

"May mga nagawa na naman akong ganitong event dati pero iba ito kasi mas close to my heart.

"Kasi sila iyong inilapit sa akin last year. Yung pagngiti ay napakadali para sa atin, pero sa kanila, kung hindi maaagapan, yun ang magiging insecurity nila hanggang sa paglaki nila."

Paano naging malapit sa puso niya ang mga batang ito?

"Nung nag-search ako sa Internet noon parang may nag-pop up lang na image ng isang bata na parang ipinaparating ng note o nung ad na for some people it's natural to smile pero sa ibang bata hindi.

"Sabi ko, oo nga, parang yung magandang smile naipagkakait sa kanila.

"E, napakasarap ngumiti, di ba? Sila yung mga bata na parang lumalaking may insecurities sa buhay.