Marvin Agustin celebrated his 33rd birthday a day early on January 28 by bringing the kids he helped last year at Operation Smile to Enchanted Kingdom. His six-year-old twin sons, Santiago and Sebastian, were there with him.

Photo: Glen P. Sibonga

"Santiago has a mole at the back of the neck," sagot ni Sebastian.

"Who's better in golf?" tanong ni Marvin.

"Santiago. I'm better in soccer," sabi pa ni Sebastian.

Ayon kay Marvin, kahit bata pa ang kambal ay mahilig na sa sports ang mga ito.

"Santiago trains in golf already. He started playing golf when they were three."

Bukod sa sports, ano naman ang kaibahan ng mga kambal pagdating sa personality?

"Si Sebastian uma-artist. Si Santiago naman ang bumi-businessman."

Ayon kay Marvin, parang nahati raw yung traits niya ng pagiging artista at businessman sa dalawang anak.

"Si Sebastian ang discipline alam niya. Sa umaga mauuna pa siya, yung pagligo ganyan.

"Si Santiago pipilitin mo pa. Pero si Santiago yung mas matanda ng one minute," natatawang lahad ni Marvin.

Nakigulo na rin sa interview si Santiago kaya tinanong siya ng PEP kung kailan ang birthday niya?

"August 15. We have the same birthday," ani Santiago.

What do you like doing?

Sagot ni Santiago, "I like staying at home and watching TV. I also read books. I borrowed a book in the library."

What book?