Ayon sa report ng Startalk TX, Sabado, January 28, umalis ng bansa ang young actor na si Prince Stefan nuong August 2011.
Ngunit bago pa man lumipad patungong New York, lumutang na ang tsismis na plano nitong magpakasal sa kapwa lalaki sa Amerika.
The young actor categorically denied the report.
Pinabulaanan din nito ang hindi mamatay-matay na tsismis hinggil sa kanyang sekswalidad.
Kamakailan, ilang blind items ang lumabas online at maging sa mga pahayagan tungkol sa produkto ng isang reality-talent search na diumano'y nagpakasal sa kanyang rich gay partner sa U.S.
Bagama't hindi pinangalanan, nasentro ang usap-usapan kay Prince.
Ilang kaibigan ang nagparating sa kanya ng kumakalat na tsismis tungkol sa sinasabing gay marriage.
Ngunit sa micro-blogging site na Twitter, nilinaw ng batang aktor na close relatives ang kasama niya ngayon sa Amerika.
Nagpadala pa nga ito ng mga ekslusibong mga larawan sa Startalk TX kasama ang kanyang mga kamag-anak na binisita niya sa New York.
Kahapon ay bumalik na ng San Francisco, California ang young actor.
Sa pangungulit naman ng Startalk TX, deretsahang sinagot ni Prince ang maugong na tsismis tungkol sa diumano'y pagpapakasal niya.
Prince tweeted...
"My marriage in New York City? So funny! Tsismis talaga.
"Ang bata ko pa para magpakasal. Halatang imbento lang. Baka bonding with my family ang dapat na article sa akin."
Idinagdag pa nitong alam niya ang totoo kaya't hindi na niya papatulan pa ang nasabing tsismis.




0

