Lovi Poe on Ronald Singson's return: "Marami pa naman siyang bagay na kailangang mag-focus pa, e. It's not just about me. 'Yong pagbabalik naman niya, hindi lang naman 'yan tungkol sa akin. Marami pa siyang ibang gagawin."

Photo: Manila Galang

Iba ang sigla at saya ni Lovi Poe kanina nang humarap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang crew ng mga talk shows ng GMA-7. 

Katatapos lang ng Party Pilipinas kung saan bukod sa mga song and dance numbers ay naghu-host din siya.

Walang bakas ng pagod na makikita sa kanya. She looks very much inspired. 

Nangiti nga siya nang mapag-usapan ang tungkol sa good reviews at mataas na rating ng bagong tinatampukan niyang primetime series, ang Legacy, kung saan kasama niya sina Heart Evangelista, Alessandra de Rossi, at iba pang mahuhusay na Kapuso stars.

"It feels so good!" aniya.

"Kasi people appreciate the fact na mabilis 'yong istorya.  And siyempre pinagpapaguran naming lahat.  Kumbaga, plus na sa amin iyon, e.

"It's just that... the thought lang na maganda 'yong story.  Do'n pa lang masaya na kami.

"Pero mas nadagdagan pa no'ng sinabi na... marami nga ang nanonood."

Titindi pa ba 'yong mga tagpong may tarayan at awayan ng mga pangunahing characters ng pinakabagong primetime series na ito ng GMA 7?

"Oo.  Kasi masyadong malalim 'yong mga pinag-uugatan ng mga galit pero meron din namang pagmamahal.

"Makikita n'yo 'yon.  At magugulat kayo sa mga mangyayari pa sa story.

"Mabilis talaga ang takbo ng story.  Kahit ako nga, one time I was watching. 

"Do'n sa abangan para this week, napasigaw ako kasi do'n ko lang nalaman... ay, gano'n pala!

DRINKING SCENE. "At saka meron akong eksena na... I was drinking in that scene. 

"And I was actually drinking so... may tama nga ako!" sabay tawang kuwento ni Lovi.