news

Anne Curtis on her 'first and last' major solo concert: "Dreams do really come true."

by Erwin Santiago posted on January 30, 2012  STATS: 149564 Views | 231 Comments

 

Actress Anne Curtis filled the Araneta Coliseum with tens of thousands of fans for her major solo concert, Annebisyosa: No Other Concert, last Saturday night, January 28.

Photo By: Melo Balingit

"Dreams do really come true."

Ito ang paulit-ulit na sinabi ni Anne Curtis sa kanyang "first and last" major solo concert noong Sabado ng gabi, January 28, sa Araneta Coliseum—ang Annebisyosa: No Other Concert.

Ayon kay Anne, pangarap talaga niyang magkaroon ng isang solo concert sa isang malaking venue gaya ng Big Dome.

At natupad ito sa kabila ng katotohanang hindi naman siya isang singer.

Noong isang taon ay marami ang nagulat nang magkaroon ng kanyang solo album si Anne sa ilalim ng Viva Records—ang Annebisyosa.

Mas marami ang nagulat nang maging Platinum ang album niya, patunay na marami ang sumasakay sa "ilusyon" ni Anne na maging isang recording artist.

At base sa dami ng taong nagpunta sa Araneta Coliseum noong Sabado ng gabi, sinakyan din nila ang isa pang "ilusyon" ni Anne—ang isang maging concert performer.

Maging si Anne ay sinabing walang mai-expect sa concert niya kundi isang gabi lamang ng katuwaan at "biritan."

Pero hindi alintana ng mga nanood ng concert ni Anne ang kakayahan niya sa pagkanta dahil pinatunayan ng aktres na isa siyang tunay na performer.

Kapansin-pansin sa concert ang kakaibang ganda ni Anne nooong gabing iyon at ang magagarbo niyang kasuotan, courtesy ng kanyang stylist na si Liz Uy.

FOR NON-SINGERS. Eksaktong alas-nuebe ng gabi nagsimula ang tatlong oras na concert ni Anne.

Isang dumadagundong na hiyawan at palakpakan ang sumalubong kay Anne paglabas niya sa isang higanteng mikropono bilang hudyat ng pagsisimula ng kanyang concert.

Sa kanyang opening number ay binanatan agad ni Anne ang mga awitin ni Rihanna na "Only Girl" at "We Found Love" kasama ng G-Force.

Isa uling umaatikabong hiyawan at palakpakan ang ibinigay ng audience pagkatapos ng number ni Anne.

"Good evening, Araneta!" pasigaw na bati ni Anne.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

231 Comments

  • 71  MissHugoBacungan

    01/30/2012 | 10:05 AM
    Dream come true for Anne, and ANOTHER billion shame and embarrassment for ALL the Filipinos here and abroad. Hindi lang pagiging corrupt ang naidagdag ng ABS CBN star na si Anne Curtis sa mga PANLALAIT ng mga foreign critics, ngayon masasabi nila na SINTUNADO at lip synch ang mga FILIPINO performers! Iyan ba ang dapat ika proud ng mga pilipino sa buong mundo? SELFISH dream for Kapamilya star Anne Curtis, a billion shame and disgust to Filipino image!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  malaya2007

    01/30/2012 | 09:51 AM
    kahit naman sya aminado na hindi sya singer, me karisma sya, willing gumastos ang fans nya at alam naman ng mga nanood na sintunado sya pero nood pa rin sila, kaya yung iba wag ng mainis
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  amayabai

    01/30/2012 | 09:48 AM
    maiinsecure na naman si toni gonzaga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  astrodeus

    01/30/2012 | 09:38 AM
    congrats, idol! ikaw na ang nag-iisang DYOSA! daming inggit... hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 67  Iamanncurtis1

    01/30/2012 | 09:28 AM
    Typo, sorry.. they are
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 66  Iamanncurtis1

    01/30/2012 | 09:27 AM
    Paula abdul, britney spears, cindy lauper, janet jacksona, madonna are mediocre singers pero they did not only concert icons but also sold millions of albums worldwide. It's charisma my dear madlang people.. And anne has it!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  donats27

    01/30/2012 | 09:21 AM
    I think it's either you love her or you hate it.If you hate her then don't read the article and don't stress yourself with anything that has got to do it with Anne yun lang yun.I love Anne so i can also sulk sa kanyang pagka-funny and simple.Love you anne
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  donats27

    01/30/2012 | 09:21 AM
    I think it's either you love her or you hate it.If you hate her then don't read the article and don't stress yourself with anything that has got to do it with yun lang yun.I love Anne so i can also sulk sa kanyang pagka-funny and simple.Love you anne
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  suddenlyyou

    01/30/2012 | 09:10 AM
    A lot of people come to watch concerts not just to hear a great voice. People watch to see a PERFORMER. Yung kayang kunin ang atensyon ng manonood sa loob ng ilang oras. Hindi lang boses ang batayan! Maraming magagaling kumanta pero hindi kayang hakutin ang tao para magbayad para panuorin sila. PEOPLE LOVE ANNE BECAUSE SHE'S DOWN-TO-EARTH, WALANG KYEME AT HINDI SELF-CENTERED. Don't read an article about her if you don't like her. Baka naman, inggit lang kayo???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  kalahatingtao

    01/30/2012 | 09:10 AM
    hahaha mga utak alimango...as in crab mentality ang iba dyan...kanya2 trip lang yan...kung ayaw mo makijoin tumahimik ka na lng... bakit d nyo matanggap na my isang aminadong asintonado ang boses pero nakapagconcert sa araneta at successful pa... ang opm industry nahihirapan nga kumalaban sa mga foreign artist na nagcoconcert dito..sana surpotahan na lng...next naman na suportahan ang concet nila wally at jose...kumbaga unahin natin suportahan ang sariling atin ... oks ba
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 61  manangdi

    01/30/2012 | 09:10 AM
    I also understand the sentiments of those who did not agree with the concert.Naghihingalo na nga ang OPM,tapos the real singers do not get the support that they deserve.She admitted she's not a professional singer,pero nagpabayad sya,i guess,baka idodonate naman nya sa Sendong victims yong kinita ng concert,pang PR baga,hehehe. Sa iba,wag na mafrustrate sa madlang pipol,tayong nasa abroad lang nafrufrustrate sa Pilipinas,sa kanila wala lang,the pinoys living there should be accounted for anything that happens to them,good or bad,bahala na sila,buhay naman nila,they deserve what they get,i give up! hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  suddenlyyou

    01/30/2012 | 09:07 AM
    Ay nako. Talaga nga namang kapag sikat ang isang tao, nakakabit palagi ang mga inggitera't inggitero. Hayaan mo na Anne! Dahil kahit anong ganda ng mga boses nila, which I doubt, HINDI NILA KAYANG PUNUIN ANG ARANETA. Kahit anong handusay ang gawin nila, walang magtatapon ng pera para panuoring sila. People came to watch her because she's fun and witty, and so humble yet full of class. Siya lang ang sosyal na abot na abot ng masa. I love you, Anne!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  macmack213

    01/30/2012 | 09:05 AM
    itong mga bitter na to ay fans nina chonalyn veray and other singers na walang fans.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  kainistalaga

    01/30/2012 | 08:47 AM
    mas masarap naman na maupo and makinig kung ang nasa stage eh si Pokwang, si John Lapus, Pooh, K Brosas, Ai-Ai, Gladys Guevarra, Allan K madami pa diyan eh. kahit magkano siguro bibilhin ko tiket dahil sigurado ka na naaliw ka. pero yong sintunado, sabi nga ni Lea Salonga kung di ka singer dont sing.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  kalahatingtao

    01/30/2012 | 08:45 AM
    ehem heto naman c misshugokrungkrong...c anne naman ang pinagdiskitahan...last time c sarah...te masama ba gising mo? or talagang masalimoot buhay mo? inggit na inggit ka sa mga taong successful sa buhay...and fyi pati mga kapuso at kapatid nandoon din...alam mo kung ano dating mo? isa kang palaka na utak alimango na palagi kumakain ng ampala...hayayay...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  ilokana

    01/30/2012 | 08:40 AM
    naku, aminin natin madaming magagaling na singers pero di kayang punuin ang araneta..Anne Curtis, baka ung mga tao di naman ung boses ang pinunta dun... gusto lang nila makawala minsan ng stress and have fun, fun, fun...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  macmack213

    01/30/2012 | 08:33 AM
    ang sosyal na mahal ng masa.. she's super sikat. i love her!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  Pinay_at_heart1986

    01/30/2012 | 08:31 AM
    I like Anne but why? She can't even sing. I heard she even has a music album?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  MissHugoBacungan

    01/30/2012 | 08:24 AM
    Ang concert ng Kapamilya star na si Anne Curtis na sinuportahan ng ABS CBN ay isang BAD example for the young people, ang message na ibinigay ng concert ay yung bang para kumita ng malaking PERA, maghubad ka at ipakita mo ang katawan mo, kahit WALA kang talent sa pagkanta. Corrupting the mind of the young and old, as in telling them na IBENTA mo ang katawan mo, kung gusto mong kumita!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  Speed_OfLight

    01/30/2012 | 08:09 AM
    bakya crowd mostly.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About