Joko Diaz to be seen in another action film, Hitman;  misses dad, Paquito Diaz, who was an inspiration to him

Ruel Mendoza
Monday, January 30, 2012 @ 12:53PM  |  200 views

 

"Nakaka-miss din na gumawa ng action movies, e. Iyon ang nagpasikat sa atin noon," says Joko Diaz, who hopes the Pinoy audience will patronize local action films again. (Inset photo shows his nephew Kiko Estrada, son of his sister Cheska Diaz with actor Gary Estrada.)

Photo By: Noel Orsal / Dinno Erece













Nagkaroon ng bagong sigla ang career ni Joko Diaz, na matagal ding nagpahinga sa showbiz.

Dahan-dahan ay nagiging aktibo siyang muli sa paglabas sa telebisyon at pelikula.

Ayon sa aktor, pansumandali siyang namahinga sa showbiz dahil inasikaso niya ang kanyang pamilya at ang kanilang maliit na negosyo sa probinsiya.

CESAR AND ER. Maraming gustong pasalamatan si Joko sa kanyang pagbabalik sa showbiz.

Kabilang dito si Cesar Montano dahil isinama siya sa malapit nang ipalabas na action film, Hitman, produced ng CM Productions at Viva Films.

"Matagal ko naman nang kaibigan 'yang si Kuya Buboy [palayaw ni Cesar].

"Noong araw pa sa Viva Films, nakasama ko na siya sa ilang movies niya.

"'Tapos parati kaming magkasama sa mga basketball games here and abroad.

"Noong sabihin niya sa akin na gusto niya akong makasama sa movie na idinidirek niya, natuwa naman ako.

"Kasi kakatapos ko lang gawin yung Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story noong Metro Manila Film Festival, may kasunod agad," pagtukoy niya sa isa pa niyang nais pasalamatan na si Governor ER Ejercito.

Si ER ang star, at sinasabing silent producer din, ng revival ng Asiong Salonga.

Dagdag pa ni Joko, "Nakaka-miss din na gumawa ng action movies, e. Iyon ang nagpasikat sa atin noon.

"Kaya saludo ako kay Kuya Buboy for bringing back the action films sa big screen.

"Malaking sugal ito para sa kanya, pero tinitiyak niya na marami ang magkakagusto sa Hitman."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joko sa press conference ng Hitman kamakailan.

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name