"Parang ibang Marian 'yong nakakatrabaho ko, e. Dahil bukod sa iba 'yong kanyang hitsura, e, nag-iba talaga 'yong kanyang working attitude. She has improved a lot. And I'm very proud of her dahil sobrang naging professional siya sa kanyang trabaho. Hindi ko naman sinasabing dati, hindi. But, lalung-lalo na ngayon, to a different level na talagang nakakamangha at nakaka-inspire. So, I'm very proud of her in that aspect," says Dingdong Dantes about girlfriend Marian Rivera.

Photo: Noel Orsal

"But definitely, immediately after, ilalabas ko siya," sabi ng Kapuso actor.

Wala silang plano to go out of town, gaya no'ng New Year na nagpunta sila sa Boracay?

"Walang oras kasi may taping kami, e. Taping na kaagad kinabukasan, e," sabi ni Dingdong.

May naka-ready na siyang Valentine's gift for Marian?

"Meron na."

Dagdag niya, na nakangiti, "Pero hindi ko na sasabihin. Secret na lang."

Naiisip din ba niya kung ano kaya naman ang regalo ni Marian sa kanya sa Araw ng mga Puso?

"Hindi... wala. Basta ipagpatuloy lang niya 'yong pagiging makarinyo niya sa akin. At wala na akong hihilingin pang iba."

Sa taong ito, malabo pa rin ang kasal para sa kanilang dalawa?

"Hindi pa namin napag-uusapan 'yan," sabi ni Dingdong.

NEXT MOVIE. Ano ang susunod na pelikula niya pagkatapos ng Segunda Mano, na pinagtambalan nila ni Kris Aquino at nagpanalo sa kanya ng Best Actor sa Metro Manila Film Festival 2011?

"I really wanna do lots of movies. And this year, hopefully, maganda 'yong magiging lineup. 

"Pinag-uusapan na namin. Just watch out."

Hindi na co-prod kundi solo na lang niyang ipu-produce?

"Maaari."