"Parang ibang Marian 'yong nakakatrabaho ko, e. Dahil bukod sa iba 'yong kanyang hitsura, e, nag-iba talaga 'yong kanyang working attitude. She has improved a lot. And I'm very proud of her dahil sobrang naging professional siya sa kanyang trabaho. Hindi ko naman sinasabing dati, hindi. But, lalung-lalo na ngayon, to a different level na talagang nakakamangha at nakaka-inspire. So, I'm very proud of her in that aspect," says Dingdong Dantes about girlfriend Marian Rivera.

Photo: Noel Orsal

Marami na ang nag-aabang sa My Beloved, ang balik-tambalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa primetime television. 

Isang kakaibang project ito na inaasahang kagigiliwan ng mga manonood, lalo na ng mga tagahanga ng real-life couple. 

"So far, so good! Excited kami to launch this February," sabi ni Dingdong nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Party Pilipinas kahapon, January 29.

"'Yong first day ng taping namin, nakakatuwa dahil ang ganda lumabas.

"Kasi nakita namin na talagang 'yong chemistry namin [ni Marian], nando'n pa rin talaga."

Dagdag pa ng aktor, "And 'yong role ko dito, it's something that I haven't done before. 

"It deals with someone who is not human, so... it's very interesting."

Parang "angel of death" ang character ni Dingdong sa My Beloved

Sa istorya ay parang susunduin niya si Marian na nakatakda nang mamatay, pero na-in love siya rito kaya gumawa siya ng paraan na mabuhay pa rin ito.

May preparasyon ba siyang ginawa para sa kanyang role?

"Of course. Kinausap ko nang matindi 'yong mga direktor. At sa kanila ako kumukuha ng guidelines," sabi ni Dingdong.

REFRESHING. Ang My Beloved ang ika-limang pagtatambal nina Dingdong at Marian sa primetime series ng GMA-7.

Ang iba nilang pinagsamahan ay MariMar, Dyesebel, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, at Endless Love.

Isang taon na rin ang lumipas bago sila muling nagkatambal ni Marian.