news

It's Showtime replaces defunct Happy Yipee Yehey! in noontime slot of ABS-CBN

by Nerisa Almo posted on January 30, 2012  STATS: 2138 Views | 168 Comments

Showtime hosts (L-R) Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Kim Atienza, Anne Curtis, Vhong Navarro, and Vice Ganda will be back on ABS-CBN at a later timeslot starting Monday, February 6.

They'll be hosting the network's newest nootime show It's Showtime with fellow hosts (not in photo) Karylle, Billy Crawford and former Showtime hurados Jhong Hilario, Ryan Bang, and Coleen Garcia.

Photo By: Courtesy of ABS-CBN


Tama ang naging pahayag ng Happy Yipee Yehey! host na si Randy Santiago na isang linggo lamang hindi makikitang magkakasama sa telebisyon ang mga host ng Showtime.

(CLICK HERE to read related article.) 

Sa press statement na pinadala ng ABS-CBN sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaninang tanghali, January 30, kinumpirma nila ang pagbabalik ng Showtime sa ere.

Sa susunod na Lunes, February 6, muling masisilayan ng "madlang people" sina Anne Curtis, Vice Ganda, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Kim Atienza, Teddy Corpuz, at Juggy Jugueta.

Sila ang bubuo ng bagong noontime program ng ABS-CBN na It's Showtime.

Ito na ang programang papalit sa Happy Yipee Yehey!, na matatapos na sa Sabado, February 4.

Makakasama rin nila sa bagong palabas ang mga naging "hurado" sa dating talent-search show na Showtime—sina Jhong Hilario, Ryan Bang, at Coleen Garcia.

Matatandaan na noong Sabado, January 28, marami ang nagulat sa naging episode ng Showtime, na tila nagpapaalam na sa kanilang mga masugid na tagapanood.

Pero hanggang sa huli ay walang pagpapaalam na nabanggit ang sinuman sa hosts ng programa.

Kaya naman marami ang nag-isip na marahil ay magre-reformat lamang ang programa para gawing pamalit sa matatapos nang Happy Yipee Yehey!.

Ito ang kabuuang press release mula sa ABS-CBN Corporate Communication:

"Pagkatapos ng dalawang taong pagiging isang paboritong kapamilya sa umaga, ang It's Showtime ay ang pinakabagong programa sa tanghali sa ABS-CBN Channel 2 simula sa Lunes, February 6, 2012.

"Ang It's Showtime ay  pangugunahan nila Vhong Navarro, Anne Curtis, Billy Crawford, Karylle, 'Kuya' Kim Atienza, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta at Vice Ganda. Ang kanilang malalim na pagkakaibigan at pinagsanib na talento at sense of humor ay nakapagbigay ng walang tigil na saya sa mga kapamilya. Sasali bilang mga bagong miyembro ng show sina dance master Jhong Hilario, at ang mga paboritong ex-hurados na sina Ryan Bang at Coleen Garcia.

"Sama-sama, maghahatid sila ng bago at mas kapanapanabik na palabas na puno ng sorpresa at  iba't ibang segments na tiyak na kagigiliwan ng mga manunood.

"Ang ABS-CBN ay nagpapasalamat sa 'madlang people,' dito sa Pilipinas at sa buong mundo sa kanilang suporta sa Showtime at sa mga hosts nito sa dalawang taong pagbibigay ng saya at pag-asa sa umaga. Iniimbita ng kapamilya network ang mga manunood na ipagpatuloy nila ang walang sawang pagtangkilik sa Showtime paglipat nito sa tanghali, Lunes hanggang Sabado simula sa February 6."

1  

more on this story

Show/Hide Comments

168 Comments

  • 148  alingatong

    01/31/2012 | 11:28 AM
    Vice Ganda, wag mong subukan okrayin ang Eat Bulaga kung ayaw mong ma.okray ni Joey. Remember, hindi lahat ng tao kampi sa iyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 147  gorgeous_aleck

    01/31/2012 | 11:23 AM
    saan na kaya pupulutin c john estrada? di mo na malalapitan c willy sakaling ala kanang projects at tuluyan kang maghirap. good luck sayo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 146  gorgeous_aleck

    01/31/2012 | 11:20 AM
    wrong move abs. lahat ng tatapat sa eat bulaga, lumulubog. siguradong mawawala sa mapa ang "eats" showtime na yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 145  amang

    01/31/2012 | 11:18 AM
    taob na naman 2. bale dalawang buwan lang tatagal nito babalik na naman sila sa dating timeslot nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 144  alingatong

    01/31/2012 | 10:43 AM
    may haharapin silang issue nito, copyrighted ang It's Showtime na title sa labas, baka makasuhan sila. Sana ginawa nalang Eat Showtime or Showtime Etetch..haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 143  onewithkapsuo

    01/31/2012 | 10:20 AM
    ang pinaka OA na show sa balat ng lupa! puro pa drama epek! halatang nag papaiyak para lang mapagusapan!!!!.....iyak iyak pa siguro naiyak kasi nilagyan ng "its" ang showtime hahahaha...............teka panlaban talaga sa "eat" ng bulaga! hahahaha eb pa din! solid!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 142  BrunoBonHausen

    01/31/2012 | 10:16 AM
    now that the agency is implementing new tv classification ratings, ABS CBN show na Its Showtime should be classified for Mature Audiences Only, at dapat dun sa time slot na tulog na ang mga menor de edad. Ang alternative lifestyle ni Vice na ibinabandera sa buong mundo ay dapat na IPALIWANAG na maigi sa mga kabataan. Otherwise, it will create more confussion among children na confused sa kanilang kasarian sa murang gulang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 141  superbeki

    01/31/2012 | 09:55 AM
    advice , ilagay si kim chiu piolo jericho diet, toni gonzaga, sarah geronimo, cristne reyes rayver cruz, bea alonzo, zanjoe marudo, erik santos xtian bautista, ayan... para mag rate at matalo nyo eb, hahahahha dapat star studded, dagdag nyo pa si iza calzado.. carmina v. hahaha para masaa ilagay na lahat ng artista ng abs. haha laban sa eb hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 140  superbeki

    01/31/2012 | 09:52 AM
    sino sino na naman kaya ookrayin ni vice, makapag patawa lang...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 139  superbeki

    01/31/2012 | 09:50 AM
    anong concept, ala hyy o ala eat bulaga.??? or dati pa ren ung sayawam sayawan sayawan...sayawannn na unlimited lolz.. eb rules!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 138  ufaka

    01/31/2012 | 08:51 AM
    pustahan tayo s frst day nito icclaim ni vice na nmbr 1 cla sa rating at cgurado trending cla worldwide ahahaha! e cla cla nmn nguusap sa mga twitter account nla ahahah!mga ambi teh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 137  naimas222011

    01/31/2012 | 08:31 AM
    Anne Curtis is Anne Curtis.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 136  naimas222011

    01/31/2012 | 08:29 AM
    We love you Anne Curtis. Solid fANNeatic kami. we will support all your shows.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 135  inlove_408

    01/31/2012 | 07:16 AM
    Kahit mag retire pa ang TVJ kay Jose, Wally at Paolo hindi mananalo sa ratings ang Showtime. Alam nyo kung bakit? Walang plastik sa dabarkads at hindi overacting tulad ng iba na ang alam lang eh manglait at mag sisisigaw. Kala mo kagaganda eh para lang kabayong tinubuan ng.... kayo na lang magdugtong. Mga social c l i m b e r!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 134  ufaka

    01/31/2012 | 07:03 AM
    abscbnkapamilya- parang ikaw affected kdn msydo! ahahah! mgmayabang kpa cge kasi sobrang yabang m at mskt ang paglagapak m nian! ahahah! sobrang taas m e!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 133  dikit007

    01/31/2012 | 05:19 AM
    abscbnkapamilya - yung sinasabi mong kapag nawala sina TVJ sa EB eh mawawala narin ang Eat Bulaga, yan ay isang malaking KALOKOHAN. Kung sakali man lumipas na ang panahon at mawala na sina TVJ, eh andyan ang Dabarkads para ipagpatuloy ang EB. Sina TVJ na rin ang nagsabi na "Hanggat may bata, may Eat Bulaga".
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 132  dikit007

    01/31/2012 | 05:09 AM
    abscbnkapamilya - yung sinasabi mong pag nawala sina TVJ sa EB eh mawawala na rin ang Eat Bulaga, yan ay isang malaking KALOKOHAN. Kahit magdaan man ang ilang taon at kung sakali man mawala sina TVJ eh tiyak na andyan pa rin ang Eat Bulaga na ipagpapatuloy ng mga Dabarkads. Sina TVJ na rin ang nagsabi na "Hanggat may bata, may Eat Bulaga".
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 131  Cutiepie2010

    01/31/2012 | 03:29 AM
    Condolence in advance.!! Napuno Daw concert ni Bibig kc pinamigay Ng libre ang tickets.!! Kelan pa naging singer yan.!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 130  kalabaw99

    01/31/2012 | 03:26 AM
    di ba may time na nakatapat na rin ng eat bulaga ang showtime for a while? and sad to say hindi sila nanalo sa ratings. oh well, good luck sa showtime. i don't watch any noon time show naman so parang wala namang effect sa akin to. hahahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 129  xavE

    01/31/2012 | 03:14 AM
    kaya pala naqiiyakan yunq mqa hosts nq showtime nunq sabado kase itatapat sa eat bulaqa. condolence in advance, kayo na susunod na matitiqbak! nyahaha, kyut.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About