Showtime hosts (L-R) Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Kim Atienza, Anne Curtis, Vhong Navarro, and Vice Ganda will be back on ABS-CBN at a later timeslot starting Monday, February 6.

They'll be hosting the network's newest nootime show It's Showtime with fellow hosts (not in photo) Karylle, Billy Crawford and former Showtime hurados Jhong Hilario, Ryan Bang, and Coleen Garcia.

Photo: Courtesy of ABS-CBN


Tama ang naging pahayag ng Happy Yipee Yehey! host na si Randy Santiago na isang linggo lamang hindi makikitang magkakasama sa telebisyon ang mga host ng Showtime.

(CLICK HERE to read related article.) 

Sa press statement na pinadala ng ABS-CBN sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaninang tanghali, January 30, kinumpirma nila ang pagbabalik ng Showtime sa ere.

Sa susunod na Lunes, February 6, muling masisilayan ng "madlang people" sina Anne Curtis, Vice Ganda, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Kim Atienza, Teddy Corpuz, at Juggy Jugueta.

Sila ang bubuo ng bagong noontime program ng ABS-CBN na It's Showtime.

Ito na ang programang papalit sa Happy Yipee Yehey!, na matatapos na sa Sabado, February 4.

Makakasama rin nila sa bagong palabas ang mga naging "hurado" sa dating talent-search show na Showtime—sina Jhong Hilario, Ryan Bang, at Coleen Garcia.

Matatandaan na noong Sabado, January 28, marami ang nagulat sa naging episode ng Showtime, na tila nagpapaalam na sa kanilang mga masugid na tagapanood.

Pero hanggang sa huli ay walang pagpapaalam na nabanggit ang sinuman sa hosts ng programa.

Kaya naman marami ang nag-isip na marahil ay magre-reformat lamang ang programa para gawing pamalit sa matatapos nang Happy Yipee Yehey!.

Ito ang kabuuang press release mula sa ABS-CBN Corporate Communication:

"Pagkatapos ng dalawang taong pagiging isang paboritong kapamilya sa umaga, ang It's Showtime ay ang pinakabagong programa sa tanghali sa ABS-CBN Channel 2 simula sa Lunes, February 6, 2012.

"Ang It's Showtime ay  pangugunahan nila Vhong Navarro, Anne Curtis, Billy Crawford, Karylle, 'Kuya' Kim Atienza, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta at Vice Ganda. Ang kanilang malalim na pagkakaibigan at pinagsanib na talento at sense of humor ay nakapagbigay ng walang tigil na saya sa mga kapamilya. Sasali bilang mga bagong miyembro ng show sina dance master Jhong Hilario, at ang mga paboritong ex-hurados na sina Ryan Bang at Coleen Garcia.

"Sama-sama, maghahatid sila ng bago at mas kapanapanabik na palabas na puno ng sorpresa at  iba't ibang segments na tiyak na kagigiliwan ng mga manunood.

"Ang ABS-CBN ay nagpapasalamat sa 'madlang people,' dito sa Pilipinas at sa buong mundo sa kanilang suporta sa Showtime at sa mga hosts nito sa dalawang taong pagbibigay ng saya at pag-asa sa umaga. Iniimbita ng kapamilya network ang mga manunood na ipagpatuloy nila ang walang sawang pagtangkilik sa Showtime paglipat nito sa tanghali, Lunes hanggang Sabado simula sa February 6."