Solenn Heussaff on playing Ogie Alcasid's leading lady in Boy Pick Up movie: "'Yong baluktot na pagta-Tagalog ko, funny na! So, okey lang 'yon. Advantage na bulol ang dila ko. Mag-start kami ng shooting itong February na, kasi April yata ang playdate."

Photo: Allan Sancon

Masaya si Solenn Heussaff na siya ang gaganap na leading lady ni Ogie Alcasid sa pelikulang Boy Pick Up ng GMA Films. 

Ang naturang pelikula ay spin-off ng pinasikat na karakter ni Ogie sa gag show na Bubble Gang.

Ayon kay Solenn, confident siya na magagawa niyang maging kuwela ang role niya sa pelikula.

"'Yong baluktot na pagta-Tagalog ko, funny na!" natatawang sabi ng French-Filipino actress-singer.

"So, okey lang 'yon. Advantage na bulol ang dila ko.

"Mag-start kami ng shooting itong February na kasi April yata ang playdate."

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Solenn sa lobby ng bagong building ng GMA Network, pagkatapos ng Party Pilipinas kahapon, January 29. 

SAM PINTO. Marami ang nag-akala na si Sam Pinto ang makakapareha ni Ogie sa pelikula dahil ang sexy star ang gumaganap na "Neneng Bakit" sa segment ng Bubble Gang.

Sa show na ito hango ang karakter ni Ogie na Boy Pick Up. 

"Oo nga. Hindi ko alam kung ano ang nangyari.

"But I love you, Sam, I didn't take your place!" natawang pagpapaabot ng mensahe ni Solenn kay Sam.    

"Pero happy ako for this film with Ogie.

"And nasa movie na ito rin naman siguro si Sam, at may magandang twist kung bakit ako 'yong girl ni Ogie sa story.

"Okey naman kami ni Sam. Magkaibigan naman kami."