John Wayne Sace on how fatherhood changed him: "Yung pagiging pasaway, inaamin ko. Pero noong malaman ko na may anak na ako, ang iniisip ko na lang, hindi na yung sarili ko kung hindi ang anak ko. Yung future ng anak ko. Kung ano ang kahihinatnan ng anak ko. At kung ano ang magiging buhay niya sa akin bilang isang ama."

Photo: File photo

"Ang laki ng changes na nangyari sa akin simula nang gawin ko itong Pintakasi

"Unang-una, sa mga kasama ko. Sobrang nagpapasalamat din ako sa Itaas dahil kami ang napili. At parang naging isang pamilya kami."

JOHN WAYNE'S SON. Dalawang taon na raw ang anak ni John Wayne.

"DJ ang pangalan ng anak ko. Noong ginagawa ko itong Pintakasi, buntis ang nanay ng anak ko.

"So, DJ ang pinangalan ko sa kanya," pagtukoy ng 22-year-old actor sa pangalan ng anak na hinango sa karakter niya sa Pintakasi.

Magpapakasal na ba sila ng ina ng kanyang anak?

"Wala pa sa isip ko yun," matipid niyang sagot.

Isa si John Wayne sa kinikilalang mahusay na kabataang actor sa Kapamilya network. 

Marami rin ang nanghinayang no'ng unti-unti siyang nawawala sa sirkulasyon. 

Iyun ang mga panahong napabalitang nagiging pasaway siya trabaho.

Aniya, "Yung pagiging pasaway, hindi naman siguro dahil sa pagkakaroon ng anak.

"Yung pagiging pasaway, inaamin ko.

"Pero noong malaman ko na may anak na ako, ang iniisip ko na lang, hindi na yung sarili ko kung hindi ang anak ko.

"Yung future ng anak ko. Kung ano ang kahihinatnan ng anak ko.

"At kung ano ang magiging buhay niya sa akin bilang isang ama."