Alwyn Uytingco on his two-year relationship with Jennica Garcia: "Effort lang talaga."

Rose Garcia
Tuesday, January 31, 2012 @ 06:06AM  |  14624 views

 

Alwyn Uytingco on how he and girlfriend Jennica Garcia survive the challenges of their relationship: "Yun nga, siguro may time na hindi kami nagkikita. At the end of the day, mari-realize mo, 'Nami-miss ko na siya.'"

Photo By: Noel Orsal













Bawat cast daw ng pelikulang Pintakasi, na maipapalabas sa mga SM Cinemas simula February 8, ay dumaan daw sa "pagbabago" sa kanilang buhay sa loob ng halos mahigit tatlong taon na paggawa nila ng nasabing pelikula.

TIME FOR CHANGES. Sa parte ni Alwyn Uytingco—na gumaganap bilang Bogart, ang pinaka-gangster sa grupo nila—ay dumaan din daw siya sa panahon ng pagbabago.

Noong simula raw nilang gawin ang Pintakasi ay nasa experimental stage pa siya, at hindi pa desidido sa kung ano talaga ang gusto sa buhay.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alwyn sa press conference ng Pintakasi noong Sabado, January 28, sa 8 Spices restaurant sa Scout Borromeo, Quezon City.

Ayon sa kanya, "Three years rin namin ginawa ang movie.

"Nakatulong sa akin yung movie, na kanina ine-explain ko nga.

"Yung bond namin ng cast, tine-treasure ko. Pati na rin ang buong experience.

"Ang dami kong natutunan. Na-enlighten ako. Nagkaroon kami ng heart-to-heart talk nina JM [de Guzman]."

Noong gawin daw nila ang Pintakasi, hindi pa raw niya alam kung ano ba ang tatahakin niya, lalo na pagdating sa kanyang career.

Mahaba pa raw ang buhok niya noon at iniisip pa niya kung magba-banda ba siya or itutuloy nga ang pag-arte.

THREE VILLAINS. Silang tatlo raw nina JM de Guzman at Alchris Galura ang mga konrabida sa pelikula.

"Kumbaga, noong panahon ni Rizal, kami ang mga Kastila. Kami ang mga Hapon.

"Ang difference lang kasi no'n, yung kay JM. Sa aming tatlo, magkakaiba yung pagiging bad ass namin. 

"Si JM, siya yung may pinaghuhugutan, nagrerebelde, pero may puso. Aalagaan daw niya ang lahat ng bata sa amin. Yung ways nga lang niya.

"Si Alchris naman, kumbaga, madaling maimpluwensiyahan ng peer pressure. Barkada, tatanga-tanga, hindi marunong mag-isip for himself. 

1  2  3  4  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name