John Lloyd Cruz on his role in Unofficially Yours: "In a way, experiment na rin ito na ginawa ko sa sarili ko. It's because I wanted to portray na porke't ba kailangang maghubad sa isang eksena, kailangan ba na lagi ninyong makita na maganda or perpekto or parang hinulma? Sabi ko nga, siguro tingin ko nga, ako ang representative ng karamihan ng lalaki. Yun daw ang uso ngayon. Pinapauso ko."

Photo: Noel Orsal

Sa live interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz noong Linggo, January 28, inamin ni John Lloyd Cruz na nagkabalikan na sila ni Shaina Magdayao.

Ayon sa Kapamilya actor, "Nagkahiwalay kami, nagkabalikan. And now, we're doing perfectly fine."

Sabi ni John Lloyd, baka magbakasyon sila abroad ngayong taon.

"Kung papayagan kami. We're planning this big trip, kasama ang family niya naman."

SARAH & LIZ. Itinanong din ni Boy kay John Lloyd ang dalawa sa naiugnay sa kanya—ang leading lady niyang si Sarah Geronimo at ang ex-girlfriend niyang si Liz Uy.

Tungkol kay Sarah, sabi ni John Lloyd, "Nagkita kami kanina sa ASAP."

Totoo bang nahuli silang nag-uusap on-air?

Paliwanag ni John Lloyd, "No, sinasabi niya na na-miss daw niya yung Bebe niya, yung character sa movie namin.

"Sabi ko sa kanya, 'Na-miss, na-miss, e, ikaw nga, meron ka ng Jeje!'

"Pero I asked her, hindi naman daw totoo."

Muling magsasama sa pelikula sina John Lloyd at Sarah this year.

Sila ni Liz Uy, kumusta sila? Magkaibigan na ba sila?

"At times, nagkakausap kami, especially kapag nagkikita kami sa isang shoot.

"Actually, magkikita kami next week to do a shoot for YES! Magazine," banggit ni John Lloyd.

Ang YES! Magazine ay ang nangungunang entertainment publication sa bansa ngayon. Ito ay print affiliate ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).