Mula sa kanilang pagsasama sa ABS-CBN primetime series na Imortal, mapapanood naman ngayon sina Angel Locsin at John Lloyd Cruz sa pelikula.
Sila ang tampok sa Valentine offering ng Star Cinema, ang Unofficially Yours.
Marami na ring naging leading men si Angel, pero sa VTR interview sa kanya ng The Buzz noong Linggo, January 28, sinabi nito na sa lahat ng nakatambal niya, palaging "one step ahead" si John Lloyd.
Saad ni Angel, "Wala na siguro akong masasabi kung paano niya mahalin ang trabaho niya. Parang lagi siyang one step ahead.
"Iba... iba si Lloydie."
Sa huling araw nga raw ng shooting nila ng Unofficially Yours, sumabak talaga sila sa "scorching hot" na love scenes. Kamusta naman ang pakiramdam sa paggawa ng mga ganitong eksena?
Natatawang sabi ni Angel, "Wala na, ibinigay na naming lahat do'n.
"Namomroblema na nga ako. Kasi, hindi na ako nahihiya!"
Pero thankful daw si Angel na si John Lloyd ang leading man niya dahil gentleman daw ito.
"Ano naman, nagpapasalamat naman ako kay John Lloyd at kay Direk Cathy [Garcia-Molina], kasi wala akong chance para maka-feel ng awkwardness.
"Kasi, si Lloydie napaka-gentleman. Siya pa ang nagko-cover sa akin minsan.
"Napaka-gentleman ng lolo mo."
Pero hindi lang daw sa aspetong yun bilib si Angel kay John Lloyd.
Aniya, "Si Lloydie kasi, parang... napag-usapan nga namin minsan, sabi niya kasi... Naku, patay ako dito!
"Sabi niya kasi, sa mga weddings, nahihirapan siyang pumunta kasi hindi niya mapigilan ang umiyak.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
96 meiimeii
95 ulingnijonalyn
94 magsasaka
93 kalahatingtao
92 ulingnijonalyn
91 meiimeii
90 kapusodbest
89 ulingnijonalyn
88 meiimeii
87 exclusibo
86 kapusodbest
85 exclusibo
84 meiimeii
83 alexangel
82 meiimeii
81 jed_raz8
80 meiimeii
79 abscbnkapamilya
78 Iamanncurtis1
77 meiimeii
more comments