Joey Marquez on his children: "One thing I like about my children, although iba-iba ang nanay nila, buo kami. It's the atmosphere of protection for each other. They will fight for the right of their half-brothers, sisters. And in fact, they don't call themselves as half-brother or sister—they are brother, sister, period."

Photo: Noel Orsal

Balik-Kapamilya na ang comedian na si Joey Marquez, na nagmarka sa publiko dahil sa kanyang role noon sa long-running sitcom na Palibhasa Lalake.

Ngayon, isa siya sa magiging hosts ng bagong Saturday showbiz talk show ng ABS-CBN, ang Showbiz Insider Report, kasama sina Janice de Belen, Carmina Villarroel, at Ogie Diaz.

Nag-guest nang live si Joey sa The Buzz noong Linggo, January 28.

Unang tanong sa kanya ng host na si Charlene Gonzalez-Muhlach ay kung ano ang sikreto niya sa pagiging successful pa rin sa kabila ng mga isyu at intriga.

Ayon kay Joey, "Sa totoo lang, hindi ko kasi pinoproblema ang problema ko. Kasi, I use it to my advantage.

"More of learning things and, eventually, yung problema nagiging... nasu-solve siya nang walang ginagawang paraan.

"And the biggest contribution is where I am. Anuman ang meron ako, palagi lang akong nakangiti. That's it. 

"Happiness, kailangan talaga."

NEW TALK SHOW. Tungkol naman sa bagong talk show niya sa ABS-CBN, ano ba ang mai-expect sa kanya ng tao ngayon?

"Actually, this time, hindi ako komedyante," sagot ni Joey.

Mas magiging matapang ba siya?

"Hindi naman sa magiging matapang, pero mas magiging opinionated ako sa mga sitwasyon. 

"Actually, when they gave me the proposal tungkol sa talk show na ito, napakaganda.

"It took us to the next level para sa mga interview. It's more on investigative."