Balitang It's Showtime! ang bagong makakatapat ng Eat Bulaga!
Kaya naman, nang magkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam ang isa sa mga hosts ng Kapuso noontime show na si Ruby Rodriguez, kinuha namin ang kanyang pahayag ukol dito.
"I always welcome a new competition, because you have to be on your toes parati.
"I mean, huwag naman nating maliitin, maganda ang Showtime. I mean, before Bulaga!, we also see it. So, we watch it also. And it's fun also to watch.
"Maybe we could do better, if we're doing good already.
"Maybe we could do better pa," ang panimula ni Ruby noong nakita namin siya sa launching ng Dental Focus website sa Edsa Shangri-la noong January 30.
"Kahit naman sinong bago pa [ang makatapat ng Eat Bulaga!], challenge iyan.
"Kahit ano'ng channel pa iyan, you have to be on your toes always.
"Any competition naman for us is a healthy competition.
"Ang magde-decide naman diyan, ang mga tao. Kaya kami, pagbubutihan lang namin lagi," saad pa ni Ruby.
Hindi ba sila na-challenge sa Happy Yipee Yehey!, na nakatakdang mawala na sa ere?
"It's supposed to be a challenge also. Kaya nga we're doing, you know, better... in improvements.
"I mean, kung wala silang challenge, hindi naman siguro namin pag-aaksayahan iyong mga opening numbers namin, 'di ba?
"Mas pinagaganda kasi talaga namin lagi ang Bulaga!, e."
THEIR SECRET? Ano kaya ang sikreto ng Eat Bulaga! at marami nang rival shows ang nakansela dahil sa pagiging top-rater nito sa ratings.



0

