After playing the villain Desmond in Munting Heredera, Gabby Eigenmann now shifts to a good-boy role as Roberto in the afternoon soap, Broken Vow.

Photo: Monching Jaramillo

Kung pagbabasehan ang trailer ng Broken Vow, ang bagong afternoon series ng GMA-7 na magsisimula nang mapanood sa February 6, nagiging pahulaan pa kung sino ang nang-rape sa karakter na ginagampanan ni Bianca King.

Dahil dito kaya't natuloy ang kanilang kasal ng karakter naman ni Gabby Eigenmann.

Kaya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa presscon ng Broken Vow kagabi, January 30, sa Studio 7 ng GMA Network Center, tinanong namin siya kung sino ba talaga ang nang-rape kay Bianca sa kanilang serye?

"I am not at liberty to tell!" natatawa niyang sabi.

"Pero 'eto nga, noong nakita n'yo ba, masama ba akong tao noong nakita n'yo na iniwan ko?"

Sa istorya kasi ay iniwan ni Gabby si Bianca sa mismong araw ng kasal nila.

Paliwanag naman ni Gabby, tungkol sa kanyang role, "E, akala ko kaya ko. Pero makikita ninyo kung bakit.

"Kasi, ang back story niyan, ang pangarap lang namin is to have a family. To have our own children.  

"Parang trinato ko siya na babasaging porselana. Walang nangyari sa amin, kaya masakit.

"Kasi, lahat ng emosyun na ipinakita ko dun... kasi, hindi ko naman kayang iwan siya.

"Hindi ko lang kaya na may anak siya sa nang-rape sa kanya. E, yun ang gusto ko, magkaanak tayo."

FROM VILLAIN TO MALE LEAD. Mula sa villain role niya bilang Desmond sa Munting Heredera, bida at mabait na ang character na ginagampanan niya sa Broken Vow.

Paano niya naiwan ang role na Desmond at ano ang paghahandang ginawa niya ngayon sa Broken Vow?

"Yun nga, last two-three weeks ng Heredera, noong malaman namin na gagawin na namin 'to, noong magte-taping na, unti-unti talaga na parang pinapagpag ko na si Desmond.