Ang hospital bed na kinuha ng dating aktres na si Nadia Montenegro mula sa storage ng talent manager na si Annabelle Rama ang ugat ng pinakahuling pagwawala ni Annabelle.
Ito ay nangyari sa parking lot sa harap ng Prosecutor's Office ng San Juan City kahapon, January 30.
Dito muling nagharap ang dalawa para sa theft case na isinampa ni Annabelle laban kay Nadia.
(CLICK HERE to read related story.)
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Annabelle sa presscon ng Alice Bungisngis And Her Wonder Walis ng GMA-7 kaninang tanghali, January 31.
Naroon siya upang samahan ang kanyang alaga na kasama sa cast—ang nagbabalik na si Ana Roces.
Dito ikinuwento ni Annabelle ang pinagmulan ng kanyang matinding galit kay Nadia.
Lahad ni Annabelle: "Paalis na kami ng lawyer ko sa Prosecutor's Office nang itanong ko ang nilalaman ng sagot ni Nadia sa demanda ko sa kanya.
"Ang sabi ng lawyer ko, nakalagay sa affidavit ni Nadia na tinulungan niya ako sa pagbebenta ng hospital bed ko.
"Nagulat ako dahil pati ang hospital bed ko, kinuha niya?
"Di ba, naoperahan ako noon? Ang bahay namin sa Dasma [Dasmariñas Village, Makati City], second floor yung kuwarto.
"Sabi ko kay Eduardo [Eddie Gutierrez, her busband], bibili ako ng hospital bed para doon ako titira sa baba.
"E, noong galing ako sa ospital, magaling na ako. Puwede na akong umakyat sa second floor. 'Ay, hindi ko na kailangan ng hospital bed. Ilagay mo na 'yan sa storage.' "
Patuloy ng controversial talent manager, "Kahapon ko lang nalaman na pati pala ang hospital bed, kinuha ni Nadia.
"Siya mismo ang umamin na kinuha niya, ibinenta niya. Di ba, pagnanakaw 'yon?




0

