Masaya si Luis Alandy dahil sa sunud-sunod na projects na ibinibigay sa kanya ng GMA-7.
Pinakabagong teleserye niya ang Broken Vow—na mapapanood sa "GMA Afternoon Prime" simula sa Pebrero 6, at nagkaroon ng press conference noong January 30.
"Oo nga, e, sunud-sunod—from Beauty Queen, from My Lover My Wife, 'tapos Iglot, ngayon 'etong Broken Vow.
"For one year, dire-diretso, puro soaps.
"So, I feel so thankful and so blessed talaga na I was given yung ganitong klaseng opportunity.
"Kasi lahat naman ng artists naghahangad to showcase their talent at maging bida talaga," ang sabi ni Luis
Dahil sa magagandang proyektong ibinibigay ng GMA-7, wala sa isip ng aktor ang lumipat sa ibang istasyon.
"Actually, wala naman akong direct offer from ABS-CBN talaga.
"Ang manager ko kasi, si Noel Ferrer, ang nagha-handle ng mga ganun.
"GMA trusts me enough to give me itong panibagong project.
"Pagkatapos ng isang show, may kasunod kaagad, may napaplano agad.
"So, bakit ko naman isa-sacrifice yung lilipat ako, 'tapos dadaan ako sa uncertainty kung ano yung ibibigay sa akin.
"Dito sa GMA, sobrang inaalagaan talaga ako."
PLAYING A "KNIGHT IN SHINING ARMOR." Isa si Luis sa mga bida ng Broken Vow, kasama sina Bianca King, Gabby Eigenmann, at Rochelle Pangilinan.
Kabilang din sa cast sina Marco Alcaraz, Juan Rodrigo, Carmi Martin, Matet de Leon, Jace Flores, Pancho Magno, Lou Sison, Melissa Mendez, Kryshee Grencia, at Ms. Celia Rodriguez.




0

