"Actually, hindi naman kailangan. Pero for respeto, sinabi ko sa kanya. At sabi naman niya, 'Talaga? Gawin mo. Huwag kang kakabahan,'" says Rochelle Pangilinan when asked if she needed to ask permission from boyfriend Arthur Solinap before doing the love scene with Gabby Eigenmann.

Photo: Monching Jaramillo

Pakiramdam ni Rochelle Pangilinan ay sobrang blessed siya sa kanyang professional at personal life ngayon. 

Sa kanyang career, masasabing hindi na lang bilang Sexbomb dancer ang pagkakakilala sa kanya ng tao ngayon dahil napatunayan na niyang magaling siyang aktres.

At sa kanyang personal life, very steady ang relationship nila ng boyfriend na si Arthur Solinap, na kasama niyang nakapaloob sa PPL Management ni Perry Lansigan.

ANOTHER CONTRAVIDA ROLE. Mula sa kanyang pagganap bilang Marikit sa Amaya, ngayon naman, lalabas si Rochelle bilang kontrabida sa Broken Vow.

Ayon kay Rochelle, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi sa press conference ng Broken Vow sa Studio 7 ng Kapuso network, iba raw umibig ang bagong karakter niyang si Rebecca.

"Bilang si Rebecca, sobrang napaka-challenging ni Rebecca.

"Iba ang pagkatao niya. Iba siyang magmahal. Sobrang kaya niyang magtanggal sa buhay niya alang-alang sa pagmamahal.

"Iba 'to. Iba rin si Rochelle. Iba rin si Marikit. Iba rin si Rebecca. So, mahirap siya [gampanan]."

SEXY SCENE? Mula sa trailer ng kanilang serye, napansin kaagad ng entertainment press na nandoon ang love scene nila ni Gabby Eigenmann sa Broken Vow.      

"Napaatras din ako nang mapanood ko siya kanina," natatawa niyang sabi.

"Nagawa ko 'yun? Hindi ko siya prinaktis. Ang hirap namang praktisin.

"Nakatulong din sa akin, bilang dancer siguro, malaki ang tulong niya sa akin. Sobrang nagamit ko rin sa part na yun."

HER BOYFRIEND'S COMMENT? Hindi pa raw napapanood ng boyfriend niyang si Arthur Solinap ang eksena nilang yun ni Gabby.

"I'm sure naman, maiintindihan niya yun. Kasi, kilala ko naman si Arthur at kilala niya si Gabby. Magkakapatid kami sa PPL."