Nadine Samonte says relationship with Emerson Chua is "more mature;" says she wants to marry at a young age

Joyce Jimenez
Wednesday, February 01, 2012 @ 03:28PM  |  9389 views

 

Nadine Samonte on marrying at a young age: "Gusto ko kasi mag-asawa ng bata, gusto ko mag-anak siguro at 25-year-old. I'm 23 na, e. Gusto ko bata ako, e, alam mo 'yon, because of my mom, parang barkada lang kami ng mom ko."

Photo By: Noel Orsal













Sunud-sunod ang proyekto ni Nadine Samonte simula nang lumipat siya sa TV5.

Una na ang launching show niya na The Sisters, na sinundan ng Sa Ngalan Ng Ina, at ngayon nama'y ang remake ng '80s drama series na Valiente.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press si Nadine noong Lunes, Enero 30, sa Hacienda Leviste, sa Lipa, Batangas.

"Wala naman masyadong bago, na as in kakaiba 'yong character," sagot ng 23-year-old na aktres nang tanungin namin kung ano ang aabangan ng mga tao sa bago niyang karakter.

"Normal character lang siya—mabait, kung anong tama, doon siya, hindi siya pala-awa effect.

"Siguro may mga dinagdag lang na masyado siyang iyakin, masyado lang siyang ganyan pagdating sa love, yung masyado siyang emotional."

HAPPY AND IN LOVE. Samantala, kapansin-pansin ang kakaibang ganda ni Nadine nang makapanayam namin siya noong gabing iyon.

Isa sa mga naisip naming dahilan ay ang pagkakabalikan nila ng kanyang nobyong si Emerson Chua.

Matatandaang inamin ni Nadine sa PEP noong nakaraang taon na nagkahiwalay sila ni Emerson noong huling linggo ng Hulyo.

Ani ni Nadine, ang dahilan daw nito'y, "Siguro pareho naming... yung pagiging mature namin sa isa't isa.

"Kasi 17 pa lang ako... Nineteen siya, 17 ako.

"Six years rin kami. We've been together for six years.

"So, parang na-stuck up kami sa gano'n lang. 

"Nagma-mature kami sa isa't isa, pero yung going out, parang... something like that."

(CLICK HERE for related article.)

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name