Ayon sa young actor na si Aljur Abrenica, "zero" ang kanyang lovelife ngayon at mas naka-focus siya sa trabaho.
Gusto raw kasi ni Aljur mag-ipon muna para na rin sa kanyang pamilya.
Kuwento pa niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng kanyang bagong TV commercial sa Centris sa Quezon Avenue, Quezon City, marami pa siyang gustong bilhin para sa kanyang mga magulang at kapatid.
DREAM DATE. Pero hindi naman niya itinatago na si Kylie Padilla ang kanyang dream date sa darating na Valentine's Day.
"Dream date? Hmmm, yung gusto kong makasama si Kakay... si Kylie naman talaga, e," nangingiti niyang simula.
Bakit "Kakay" ang tawag niya sa dalagang anak ni Robin Padilla?
"Yun kasi ang tawag ko sa kanya, Kakay. Maganda naman, di ba?" tumatawa niyang sagot.
Kung ide-date niya si Kylie, saan niya naiisip dalhin ang dalaga?
"Marami, e. Marami akong gustong puntahan kasama siya."
Anong klaseng date ba ang gusto niya?
"Siguro yung simple lang. Ayoko kasi nung, kumbaga, mag-dream ng imposible. Gusto ko yung possible.
"Gusto ko sa L.A., yung sa may Hollywood sign. Kasi, di ba, parang tourist spot yun?
"So, tinitingnan yun ng lahat, hindi nila alam na sa ilalim kami. Parang sweet, e. Para kakaiba.
"Basta gusto ko lang makarating kami dun. 'Tapos makapag-usap lang.
"'Tapos yun lang, happy na ako at alam kong happy din siya."




0

