After seeing Bea Binene's enormous wig for her role in Alice Bungisngis And Her Wonder Walis, the press asked her: "Ilang kilo ang buhok mo?"

To which the young actress replied, "Hindi ko po alam, pero mabigat po siya!"

Photo: Noel Orsal

Ang madalas itanong ngayon kay Bea Binene ay kung ilang kilo nga ba bigat ng buhok niya.

Ito ay dahil sa suut-suot niyang wig bilang Alice Bungisngis sa pinakabagong afternoon series ng GMA-7, ang Alice Bungisngis And Her Wonder Walis.

Ito ang ikalawang afternoon series na pinagbidahan ni Bea. Ang una ay ang Pahiram Ng Isang Ina na natapos noong November 2011.

So, ilang kilo nga ba ang buhok ni Bea sa bago niyang show?

 "Hindi ko po alam, pero mabigat po siya!" natatawang sagot niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Bea sa presscon ng Alice Bungisngis And Her Wonder Walis kahapon, January 31, sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Ano nga ba ang kuwento sa likod ng kulot at napaka-kapal niyang buhok bilang si Alice Bungisngis?

"Namana ko po kasi itong buhok ko at ang balat ko sa lola ko, kay Tita Marita Zobel po," sagot ng tween star.

Ilang porsiyento ng pagkatao niya ang makikita kay Alice Bungisngis?

"Siguro po, 40 percent. Kasi, bungisngis siyang talaga. Masayahin siyang tao. 'Tapos, mapagmahal siya, pero ayun..."

BIDA NA SI BEA. Kung tutuusin, matagal ding naghintay si Bea bago siya nabigyan ng pagkakataon ng GMA-7 na maging bida sa isang teleserye. Kaya hindi maitago ang kasiyahan ng dalaga sa bago niyang proyekto.

Saad ng 14-year-old actress, "Super happy, super thankful, super excited, pero nervous din naman.

"Kasi siyempre, ito ang first role ko as a main cast talaga.

"Nagpapasalamat po ako, pero kinakabahan din kasi, di ba, malay mo, paano kung hindi magustuhan ng mga tao?