After seeing Bea Binene's enormous wig for her role in Alice Bungisngis And Her Wonder Walis, the press asked her: "Ilang kilo ang buhok mo?"

To which the young actress replied, "Hindi ko po alam, pero mabigat po siya!"

Photo: Noel Orsal

"Pero, think positive lang naman, and I'm sure magugustuhan nila kasi magaling talaga ang story, ang ganda ng story.

"Yung effects, ang ganda."

Ngayong bida na siya, nangangahulugan ba itong magiging choosy na siya sa mga susunod na project at hindi na tatanggap ng supporting roles?           

"Hindi naman po. Kasi, kahit naman po ano ang ibigay sa akin ng GMA, okay na po ako do'n, nagpapasalamat na po ako do'n," sagot niya.

BEA'S LEADING MEN. Dalawa ang leading men ni Bea sa Alice Bungisngis—sina Jhake Vargas at Derrick Monasterio. 

Pero hindi sinabi ni Bea kung sino ang makakatuluyan niya sa serye.

Aniya, "Hindi ko pa po talaga alam.

"Kasi, ang nababasa ko pa lang po sa script, yung magmi-meet kami ni Jhake.

"Pero hindi pa po kami nagmi-meet ni Derrick. Pero, [love] triangle pa rin po."

Masaya naman daw si Bea na mula noon hanggang ngayon, intact pa rin ang loveteam nila ni Jhake.

"Masaya po, kasi ang dami na rin naming shows na napagsamahan ni Jhake.

"Nagpapasalamat kami kasi kami pa rin ang pinagti-team up ng GMA.

"At yung fans, hindi pa rin nagsasawa sa amin kaya nagpapasalamat ako."

Ano naman ang reaksiyon ni Bea kapag pinagtatapat sina Jake at Derrick?

Nakangiting sabi ng dalagita, "Magkaiba naman po silang dalawa. At yung mga fans, may magkaiba naman po silang gusto."