After seeing Bea Binene's enormous wig for her role in Alice Bungisngis And Her Wonder Walis, the press asked her: "Ilang kilo ang buhok mo?"

To which the young actress replied, "Hindi ko po alam, pero mabigat po siya!"

Photo: Noel Orsal

Ano ang nakikita niyang pagkakaiba ng dalawang leading men niya?

"Maingay-tahimik. 

"Siyempre, si Derrick ang maingay. Tahimik si Jhake.

"Basta yun talaga ang pinaka-makikita mo, e."

Kumusta na sila ni Derrick?

"We're okay. We're very okay, we're very good," sagot ni Bea.

Pero ano ang masasabi niya na bagama't pinagtatambal din sila ni Derrick, balitang may ibang pinopormahan si Derrick—si Sarah Lahbati?

Sabi ni Bea, "Basta kung saan siya masaya, suportahan ko siya.

"Kahit naman si Jhake, kung saan sila masaya. 

"Basta kami, we're doing our job. We're doing this for our fans po. 

"At personal life, siguro I don't have the right na makialam sa kanila.

"Basta ako, kung saan sila masaya, doon ako para sa kanila.

"So, susuportahan ko sila."

BARBIE FORTEZA. Sa puntong ito ng career ni Bea ay mayroon nang itinatapat sa kanya—ang kapwa niya Kapuso tween star na si Barbie Forteza.

Mistulang kambal na nga sila. Sa bawat gawin nila, palagi silang nakikitaan ng kumpetisyon.