After seeing Bea Binene's enormous wig for her role in Alice Bungisngis And Her Wonder Walis, the press asked her: "Ilang kilo ang buhok mo?"

To which the young actress replied, "Hindi ko po alam, pero mabigat po siya!"

Photo: Noel Orsal

Ngayong bida na ulit si Bea sa isang afternoon soap, may pressure ba siyang nararamdaman sa gagawing pagkukumpara ng mga tao sa kanyang programa at sa mga nagawa naman ni Barbie?

"Hindi naman po talaga mawawala yung pressure, yung nervousness.

"Pero, hindi yun sa aming dalawa ni Barbie, kung hindi sa mismong show.

"Siyempre, ito yung main cast kami. Kinakabahan kami na 'Papaano kung hindi magustuhan ng mga tao'? 

"Pero, I'm sure naman po na magugustuhan nila kasi maganda talaga," saad niya.

BEA'S FAMILY. Kung nakakatawa ngayon si Bea dahil sa magandang nangyayari sa kanyang career, ganito rin kaya pagdating sa kanyang pamilya?

Matatandaang inamin ni Bea sa isang interview na umalis ng kanilang bahay ang kanyang ama at hindi pa ito bumabalik.

(CLICK HERE to read related story.)

Nagkita na ba sila ng daddy niya?

"Next question please," ang tila naluluhang sagot ng teen actress, pero idinaan din niya ito sa pagbungisngis.

Nabawasan ba ang nararamdamang kaligayahan sa kanyang career dahil sa pag-alis ng kanyang ama?

"Siyempre po. Pero I'm sure naman alam niya yun. Siguro naman, alam niya yun," maikling tugon ni Bea.

Naiisip ba niyang sana ay naibabahagi niya sa ama ang kaligayahang nadarama niya ngayon?

"Opo naman... yung pagkasabik.

"Pero ano, siguro hindi ko na masyadong iniisip.