Carla Abellana asks for "time off" to make the decision to stay with GMA-7 or move to ABS-CBN

Ruben Marasigan
Wednesday, February 01, 2012 @ 06:28PM  |  758 views

 

Carla Abellana on making a decision about staying or moving: "Sabi ko nga, hindi na ako bumabata. Hindi naman ako puwede na teeny-bopper forever. Career, roles... ano pa ang ibang magagawa ko? Sino pa ang ibang puwede kong makatrabaho? Siyempre, I'm also thinking about my own future. Security ng future ko. Eventually, I would want to settle down also... 'Yong mga gano'ng bagay. Gitna ako ng twenties, e. So, ang hirap ng... kailangang i-weigh mo 'yong options mo. 'Tapos, ang daming kailangang pag-isipan."

Photo By: Noel Orsal













Parang hindi pa rin daw makapaniwala si Carla Abellana na magtatapos na ang afternoon series ng GMA-7 na Kung Aagawin Mo Ang Langit, kung saan bida siya, kasama sina Michelle Madrigal at Mike Tan.   

Kahit nagkaroon pa ito ng ilang linggong extension, parang hindi umano niya namalayan na magtatapos na ang kanilang serye.

Ayon kay Carla, "Akala ko nga, mga two weeks pa, one week na lang pala!

"Siyempre, nalulungkot ako. 

"Kasi sabi ko nga, sa Kung Aagawin Mo Ang Langit, 'yong grupo namin do'n—'yong cast, 'yong production staff—iyon ang pinakanaka-bond ko talaga sa lahat ng mga naging projects ko in the past.

"So, nakakalungkot na magba-babay na ako sa kanila."

Ano ang pinaka mami-miss niya sa show?

"'Yong kulitan namin sa set. Minsan sumasayaw pa kami. 

"Naghahanda kami, nagluluto kami. 'Yong talagang bonding ng cast. 

"Dahil konti lang kami, na-enjoy namin ang company ng isa't isa.

"At consistent na mataas ang ratings. 

"Kaya nga nagpapasalamat kami na na-extend kami nang na-extend dahil nagustuhan talaga ng mga manonood 'yong soap namin.

"Pinaghirapan namin 'yon. Pinaganda talaga namin para sa kanila.

"So, we are very glad na until ngayon na mag-i-end na 'yong soap, hindi pa rin sila bumibitaw. 

"Maganda 'yong ending. Very peaceful ang pagtatapos ng kuwento nito. 

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

190 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name