news

Angel Locsin on her 'unofficial' relationship with Phil Younghusband: "Walang labels. Walang anniversary, walang monthsary."

by Rey Pumaloy posted on February 1, 2012  STATS: 5777 Views | 447 Comments

 

Angel Locsin on her role as Ces in Unofficially Yours: "Kailangang hindi ka nahihiya. Parang confident. Kumbaga, siya yung makabagong babae. Tinanggal mo yung hiya. Yun nga ang mahirap kasi may pagkamahiyain ako. Kasi, hindi naman ako sanay sa ganitong character at ganito ka-wild, di ba? Kaya tinanggal ko muna ang inhibitions ko... sana bumalik siya!"

Photo By: Monching Jaramillo

Romantic-comedy ang tema ng Valentine movie nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz, ang Unofficially Yours ng Star Cinema, mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

Pero lumalabas na tinatalakay sa pelikula ang pagkakaroon ng unattached relationship ng dalawang lead characters kahit meron na silang sexual contact.

Bagama't lumabas na noon si Angel sa mga pelikulang seksi ang tema—gaya ng The Promise (2007) at In The Name of Love (2011)—ang Unofficially Yours daw ay mas mature kumpara sa mga ito.

"Yes, mature kung mature siya talaga. Iba naman yung pagkakatimpla ni Direk Cathy, kung paano tumakbo yung character na mas mature siya talaga," sabi ni Angel tungkol sa konsepto ng pelikula nila ni John Lloyd.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angel sa presscon ng Unofficially Yours kaninang tanghali, February 1, sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

Inamin din ni Angel na nag-alinlangan siya na tanggapin noong una ang proyekto dahil sa sensitibong tema nito.

Kuwento ng Kapamilya actress, "No'ng in-offer sa akin ito at nag-story conference, siyempre napaisip ako na para bang, 'Prepared na ba ako?'

"Nung sinabi sa akin, si Direk Cathy ang gagawa at si John Lloyd ang makakasama ko, at hindi naman ako pababayaan... tiwala, tiwala talaga ako.

"Alam mo naman ako, excited akong gumawa ng project na hindi pa nata-tackle din. Saka yung controversial.  

"Exciting! Ay, ma-try ngang gawin itong project na ito!"

Paano ba inihanda ni Angel ang sarili sa karakter na ginagampanan niya sa pelikula?

"Well, sa character kasi ni Ces, kailangang hindi ka nahihiya. Parang confident. 

"Kumbaga, siya yung makabagong babae—tinanggal mo yung hiya. 

"Yun nga ang mahirap kasi may pagkamahiyain ako. 

"Kasi, hindi naman ako sanay sa ganitong character at ganito ka-wild, di ba? 

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

447 Comments

  • swanlake08

    02/01/2012 | 09:06 PM
    Gnda ng description Nya ky azkal pra xng "sponge" mabilis mka absorb ng ano?? Lol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapamilya_na_pilya

    02/01/2012 | 09:05 PM
    Nangangarap lang ata si Carla di sya type ng Kapamilya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapamilya_na_pilya

    02/01/2012 | 09:03 PM
    iam brainful how true itech...Heard: Itinanggi ng ABS-CBN na lilipat sa istasyon nila si Carla Abellana, wala di umanong negosasyon na nangyayari o naganap sa pagitan ng manager nito at ng korporasyon. Heard 2: TV5 ang may tunay na offer kay Carla Abellana ayon mismo sa isang executive ng ABS-CBN noong natanong sila sa isyu na ito. Heard 3: Hindi pa nagre-renew ng kontrata si Carla Abellana sa GMA-7, maaring nagpapataas ito ng Talent Fee o gusto nya patulan ang offer ng Kapatid Network.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapamilya_na_pilya

    02/01/2012 | 09:01 PM
    She's pretty but not as pretty as Anne Curtis.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • washdckami

    02/01/2012 | 09:00 PM
    like na like ko c angel locsin
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    02/01/2012 | 08:57 PM
    Ganda niya sa pic, parang si Chin Chin Gutierrez.. True Filipina beauty,. ..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    02/01/2012 | 08:56 PM
    Multi Awarded International WC actress, Ms. Angel Locsin.. Grabe ang layo na ng narating niya simula nun maging WC Kapamilya cya.. to Carla Abellana and all other Kamuning Starlets, kung gusto maging sikat ni Angel, LIPAT na...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About