Angel Locsin on her role as Ces in Unofficially Yours: "Kailangang hindi ka nahihiya. Parang confident. Kumbaga, siya yung makabagong babae. Tinanggal mo yung hiya. Yun nga ang mahirap kasi may pagkamahiyain ako. Kasi, hindi naman ako sanay sa ganitong character at ganito ka-wild, di ba? Kaya tinanggal ko muna ang inhibitions ko... sana bumalik siya!"

Photo: Monching Jaramillo

Romantic-comedy ang tema ng Valentine movie nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz, ang Unofficially Yours ng Star Cinema, mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

Pero lumalabas na tinatalakay sa pelikula ang pagkakaroon ng unattached relationship ng dalawang lead characters kahit meron na silang sexual contact.

Bagama't lumabas na noon si Angel sa mga pelikulang seksi ang tema—gaya ng The Promise (2007) at In The Name of Love (2011)—ang Unofficially Yours daw ay mas mature kumpara sa mga ito.

"Yes, mature kung mature siya talaga. Iba naman yung pagkakatimpla ni Direk Cathy, kung paano tumakbo yung character na mas mature siya talaga," sabi ni Angel tungkol sa konsepto ng pelikula nila ni John Lloyd.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angel sa presscon ng Unofficially Yours kaninang tanghali, February 1, sa 9501 restaurant sa loob ng ABS-CBN compound.

Inamin din ni Angel na nag-alinlangan siya na tanggapin noong una ang proyekto dahil sa sensitibong tema nito.

Kuwento ng Kapamilya actress, "No'ng in-offer sa akin ito at nag-story conference, siyempre napaisip ako na para bang, 'Prepared na ba ako?'

"Nung sinabi sa akin, si Direk Cathy ang gagawa at si John Lloyd ang makakasama ko, at hindi naman ako pababayaan... tiwala, tiwala talaga ako.

"Alam mo naman ako, excited akong gumawa ng project na hindi pa nata-tackle din. Saka yung controversial.  

"Exciting! Ay, ma-try ngang gawin itong project na ito!"

Paano ba inihanda ni Angel ang sarili sa karakter na ginagampanan niya sa pelikula?

"Well, sa character kasi ni Ces, kailangang hindi ka nahihiya. Parang confident. 

"Kumbaga, siya yung makabagong babae—tinanggal mo yung hiya. 

"Yun nga ang mahirap kasi may pagkamahiyain ako.