Nagdiwang ng kanyang kaarawan si Ronnie Liang noong Martes, January 31, sa Philippine Children's Medical Center (PCMC) sa may Quezon Avenue, Quezon City.
At ang unang naisip naming itanong sa kanya ay: "Ilang taon ka na?"
"A, not so old, not so young," ang mabilis na sambit ni Ronnie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Tinanong din namin si Ronnie kung bakit mas pinili niyang idaos ang kanyang kaarawan kasama ang ilang batang cancer patients sa PCMC.
Kuwento ng singer, "Wala, kasi yung mga bata, ano e, gusto kong mapasaya yung mga bata.
"Pangalawa, alam naman nating may cancer sila, and then, sabi pa sa 'kin kanina nung management ng Philippine Children's Medical Center, na the kids don't know that they have cancer, sabi nila.
"So 'wag sasabihing, 'O, mga bata, may cancer...' huwag.
"Hindi nila alam may cancer sila, akala nila sipon lang or ubo kaya sila nandito, ganyan.
"Pero may sakit sila at hindi din nila alam."
Dagdag pa ng singer, "Anytime, alam mo na kukunin sila ni Lord, pero gusto ko pong maging part nun, especially ngayong araw ng birthday ko, na maging part ng buhay nila, na kahit sandali, napasaya ko sila.
"Siyempre, alam mo yun, bigyan mo lang sila ng toys, kantahan mo, makilaro ka, or mag-play.
"Di ba, kanina kita mo naman sila, masayang-masaya? Dun, parang ano na, kumpleto na yung birthday ko."
A VIVA TALENT. Noong January 17 ay pumirma si Ronnie ng management contract sa Viva Artists Agency. (CLICK HERE to see related article.)
Kaya tinanong ng PEP ang singer kung ano ba ang bago sa kanya ngayong Viva talent na siya?
"Ang bago kay Ronnie Liang ngayon... kaka-birthday lang niya," biro muna niya.




0

