"Ano ba sa tingin ninyo? Hindi ko alam. Kasi lately hindi ko nakikita si Daddy dahil very busy siya. Ako naman, every other day, nagte-taping, 'tapos family pa," replies Oyo Sotto when asked if he's happy for his father, Vic Sotto.

Vic is now being linked to his Eat Bulaga! co-host Pauleen Luna.

Photo: Noel Orsal

Muling inusisa ng press kay Oyo Sotto sa presscon ng Valiente noong Martes, January 31, ang tungkol sa nababalitang relasyon ng kanyang amang si Vic Sotto sa young actress na si Pauleen Luna.

Matatandaang sa naunang interview ni Oyo, tahasan niyang sinabi na hindi siya pabor sa kung anumang namamagitan sa daddy niya at kay Pauleen.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa presscon ng Valiente ay tinanong si Oyo kung nakapag-usap na ba sila ng kanyang daddy tungkol kay Pauleen.

"Hindi," sagot ng Kapatid actor.

"Sa amin ni Daddy, hindi naman namin pinag-uusapan yun. Wala naman sa amin ni Daddy yun.

"Siyempre, marami talagang isyu kung marami. Pero 'pag sa loob ng family, hindi talaga namin pinag-uusapan yun."

Pati raw ang ina ni Oyo na si Dina Bonnevie ay hindi rin nag-uusisa kaugnay ng mga binitiwan niyang pahayag tungkol sa nababalitang ugnayan ng daddy niya kay Pauleen.

Ayon kay Oyo, "Si Mama, quiet-quiet lang yun.

"Hindi namin pinag-uusapan yung tungkol do'n.

"Parang kunwari may nabalitaan na ganun, 'Uy, si ano, ganyan-ganyan...' tahimik na lang ako."

Sabi pa ni Oyo, alam daw ng kanyang ina—na matagal nang hiwalay sa kanyang ama—ang nararamdaman niya kahit hindi siya nito tanungin.

Marami ang nagtataka kung bakit very vocal si Oyo sa pagtutol sa sinasabing relasyon ng kanyang ama kay Pauleen, samantalang hindi naman siya ganito sa mga naunang naging kasintahan ng daddy niya.

"Wala naman, e. Basta, yun lang ang nararamdaman ko, e... No comment na lang," iwas niyang sagot.