PEP EXCLUSIVE Talent manager Arnold Vegafria on Grace Lee dating PNoy: "I think Grace is not a distraction, she's an inspiration."

Demai G. Sunio-Granali
Thursday, February 02, 2012 @ 05:41PM  |  38093 views

Panay ang ring ng cellphone ng talent manager na si Arnold Vegafria habang iniinterbyu ito ng PEP kaninang umaga. Aniya, magmula kahapon, Pebrero 1, ay panay ang tawag sa kanya ng ilang media dito sa Pilipinas at maging sa Korea upang makapanayam ang alaga niyang si Grace Lee. Nauugnay kasi ngayon ang DJ-host kay Pangulong Noynoy Aquino. Ani Vegafria, isang magandang inspirasyon daw ang kanyang talent para sa Pangulo na kaliwa't kanan ang hinaharap na problema sa trabaho.

Photo By: Noel Orsal













Hindi lang sa Pilipinas pinag-uusapan ang balitang nagdi-date nga si Pangulong Noynoy Aquino at ang DJ-host na si Grace Lee.

Maging sa Korea, kung saan ipinanganak ang 28-anyos na GMA-7 News personality, ay naging laman din ng pahayagan ang dalawang personalidad.

(CLICK HERE to read related article.)

Kinumpirma ito mismo ng talent manager ni Grace na si Arnold Vegafria sa on-the-spot interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kanina, Pebrero 2, sa opisina ng Summit Media, nang mataong may kakausapin siya sa management ng publishing firm.

Ang Summit ay tagapaglathala ng mahigit 20 magazine, kasama na ang YES!, FHM, Entrepreneur, Yummy, Preview, Smart Parenting, OK!, Good Housekeeping, Men's Health, Women's Health, Real Living, Town and Country, Esquire, at marami pang iba.

Sabi ni Arnold sa PEP, "Yes. The Korean media—broadcasting companies there, mga TV networks, newspapers, daily news—they're calling me until now.

"They want to interview Grace, but si Grace nagde-decline for interview, e."

Dagdag pa ng talent manager, ilang crew members mula sa tatlong TV networks ng Korea ang nakatakdang dumating sa bansa upang makapanayam ang kababayan nilang si Grace.

"Very flattered" at "very proud" daw kasi ang mga Koreans sa pagkaka-link ng 29-anyos na dalaga sa Pangulo ng Pilipinas.

"Parang, just like us— 'di ba tayo nga dito, chef lang [na Pinoy] ni Obama, proud na tayo? E, what more the Koreans?

"It's the president of the country, and they know that our President is still a bachelor.

"Parang they know that the President is charming.

"So, parang...the Koreans know, parang kinikilig sila for Grace."

WHO IS GRACE LEE? Si Grace Lee—ang Korean name niya ay Lee Kyung Hee—ay ipinanganak noong Oktubre 4, 1982, sa Seoul, Korea.

Parehong Koreano ang kanyang magulang.

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

42 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name