Jaclyn Jose on her limited communication with Mark Gil (inset): "Wala na kaming dapat pag-usapan sa sarili namin. Kung nag-uusap man kami, it's all about Andi and our apo. Matatanda na kami para mag-usap pa kami ng personal."

Photo: Noel Orsal

Sa kauna-unahang pagkakataon ay lalabas sa isang teleserye ng TV5 ang award-winning actress na si Jaclyn Jose.

Kasama siya sa cast ng primetime series na Valiente, ang remake ng daily soap ng TAPE Inc. noong '90s.

Ang huling apat na seryeng ginawa ni Jaclyn ay para sa ABS-CBN, na ang pinakahuli ay ang Reputasyon.

 

Pero ngayon nga ay pansamantala munang iiwan ni Jaclyn ang Kapamilya network upang makipagtrabaho sa Kapatid network.

Bilib naman si Jaclyn sa naranasang pakikipagtrabaho sa production team ng TV5.

"Okey sila, alam nila ang ginagawa nila, yung nag-i-start sila nang tama. Huwag lang silang mabuyo ng ibang tao. 

"Maganda kasi... yung tent namin, maganda, yung VIP resting place namin. 

"Saka yung VIP restroom namin, bukod sa Male and Female," saad ni Jaclyn.

WORKING WITH HER EX. Kasama rin sa cast ng Valiente ang dating karelasyon ni Jaclyn na si Mark Gil, na siya ring ama ng anak ng aktres na si Andi Eigenmann.

Mag-asawa ang papel nina Jaclyn at Mark sa serye.

Kaswal lang ang reaksiyon ni Jaclyn sa pangungumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa working relationship nila ni Mark.

"Wala," pagkikibit-balikat ng prankang aktres.

Nilinaw ni Jaclyn na hindi si Mark ang rason kung bakit niya tinanggap ang Valiente.

Aniya, "Yung Valiente ang tinanggap ko at hindi si Mark Gil... and Tuviera.

"Pero from the start, sinabi na sa akin na makakasama ko nga si Mark. Okey lang naman."

Ang pamilya ni Mike Tuviera ang may-ari ng TAPE Inc., ang producer ng Valiente at ng noontime show na Eat Bulaga!.