Part 2 Jaclyn Jose still mad at the father of Andi Eigenmann's child: "Ang matindi, ni katok wala! Ni text! Parang binuntis lang niya ang anak ko, 'tapos nilayasan!"

Rey Pumaloy
Thursday, February 02, 2012 @ 06:47PM  |  45131 views

Jaclyn Jose is willing to forgive Albie Casiño if—"Siguro bawiin lang niya yung mga tweets niya. Yung mga Formspring niya, yung mga pinagsasabi niya..."

 

The actress adds, "Binastos pa niya kasi e. Mabuti sana kung in-abandon lang. Nag-iwan pa siya ng mga salitang hindi maganda, e. In-out niya ang sarili niya at naghanap siya ng ibang tao na... nandamay pa. Hindi lang si Jake [Ejercito] ang itinuturo niya, e, pati mga co-stars, e."

 

Dagdag ng aktres tungkol sa anak: "Hindi lalakero si Andi, hindi siya playgirl. Hindi!"

 

Photo By: Noel Orsal













Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jaclyn Jose, sinabi ng batikang aktres ng mainstream at indie films na tapos na ang breastfeeding stage ni Andi Eigenmann.

Ang pangalan ng anak ni Andi ay Adrianna Gabriellie.

Yun nga lang, hindi pa rin humuhupa ang galit ni Jaclyn sa sinasabing ama ng anak ni Andi na si Albie Casiño. 

"Ang matindi, ni katok wala! Ni text! Parang binuntis lang niya ang anak ko, 'tapos nilayasan," sabi ni Jaclyn.

Dagdag pa ng aktres, pagsisisihan daw ni Albie ang pagtalikod nito kay Andi at sa anak nila.

"Ang ganda-ganda nung baby. Ang ganda ng apo ko!"

Pero handa naman daw patawarin at tanggapin ni Jaclyn at ng kanilang pamilya si Albie.

Papayag din daw silang makita ng young actor ang anak nila ni Andi.

"Siguro bawiin lang niya yung mga tweets niya. Yung mga Formspring niya, yung mga pinagsasabi niya...

"Binastos pa niya kasi e. Mabuti sana kung in-abandon lang. 

"Nag-iwan pa siya ng mga salitang hindi maganda, e.

"In-out niya ang sarili niya at naghanap siya ng ibang tao na... nandamay pa.

"Hindi lang si Jake ang itinuturo niya, e, pati mga co-stars, e."

ANDI & JAKE. Si Jake Ejercito ang nababalitang boyfriend ni Andi ngayon.

Anak siya ni dating Pangulong Erap Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

1  2  3  Next »

Related Articles

35 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name