Pinayuhan si Annabelle Rama ng kanyang abugado na huwag munang magbigay ng komento sa panibagong patung-patong na kasong isinampa sa kanya ni Nadia Montenegro.
Wala pa raw kasing nakarating na affidavit sa kampo ni Annabelle.
Saka na lang daw siya magbibigay ng komento pagkatapos niya itong basahin at kung ano ang ipapayo ng kanyang abugado.
Attempted Murder, Grave Coercion, at Grave Oral Defamation ang tatlong kasong isinampa ni Nadia laban kay Annabelle kahapon ng umaga, Pebrero 1, sa San Juan Prosecutor's Office.
Ang mga kasong ito ay nag-ugat sa gulong nangyari noong Lunes, Enero 30, kung saan nagwala si Annabelle sa labas ng building ng San Juan Prosecutor's Office at pinagsisigawan si Nadia at hinahamong lumabas.
Inagaw pa ng talent manager ang manibela sa driver niya para sasagasaan daw niya si Nadia paglabas nito.
(CLICK HERE to read related story.)
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Annabelle kahapon, February 1.
Sabi ni Annabelle tungkol sa mga kasong isinampa sa kanya ni Nadia: "Maski mag-file siya ng twenty times na kaso, okay lang sa akin.
"Madali lang naman mag-file, e, fifty pesos lang naman bayad, di ba?
"Ako naman, hindi basta-basta nagpa-file hangga't hindi ako sigurado, e.
"Siya kasi, file lang nang file para magamit lang ang pangalan ko, gusto lang niya maki-ride on sa akin, hindi naman siya sikat."
Dagdag pa ng ina ng Gutierrez siblings na sina Ruffa, Richard, at Raymond: "Ang problema diyan, ang buwelta ko.
"Dun mo ngayon itatanong ang buwelta ko sa kanya.
"Kasi madali mag-file, magdemanda. Ang buwelta ko sa 'yo, ano ba?




0

