King of Soul Janno Gibbs returns to the teleserye; plays Bea Binene's dad in Alice Bungisngis

Rose Garcia
Friday, February 03, 2012 @ 08:43AM  |  4907 views

 

Janno Gibbs on his role in Alice Bungisngis And Her Wonder Walis: "Ano naman ako, e, ayoko rin gumawa ng soap na kung ano lang ang role. Siyempre, gusto ko, medyo special yung role, di ba? Dito kasi, ang role ko, tatay ni Alice. Sa side ng asawa ko, si Ana Roces, mga mangkukulam. Ako, tao lang talaga ako dito. So, yun, kahit human lang ako, 'pinaglalaban ko ang anak ko."

Photo By: Noel Orsal













"Uy, hindi pa ako na-late, ha!"

Nakangiting hirit ni Janno Gibbs sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa press conference ng Alice Bungisngis And Her Wonder Walis noong Martes, January 31.

Tila naging running joke na kasi sa karamihan ang madalas na pagiging late ni Janno sa kanyang showbiz commitments.

Pero mula nang maging visible siya ulit noong nakaraang taon, nagagawa na ni Janno na i-manage ang kanyang problema sa pagtulog, na siyang dahilan ng madalas niyang pagiging late.

Lumipat na rin siya ng talent management. Mula sa matagal nang kasamahan sa showbiz na si Malou Choa-Fagar, na kay Perry Lansigan ng PPL Entertainment na ito ngayon.

Sa press conference nga ng Alice Bungisngis na ginanap ng tanghali, ilang oras pa lang daw ang tulog ni Janno dahil galing pa siya sa taping na umabot ng alas-tres ng umaga.

FATHER ROLE. Si Janno ang gumaganap na tatay ni Bea Binene sa Alice Bungisngis.

Sabi ni Janno, "Okay naman, medyo pagod, pero maganda naman ang ginagawa namin. Enjoy ako sa role ko."

Ang huling teleserye na ginawa ni Janno ay ang Pilyang Kerubin noong 2010. 

Medyo matagal na nga rin bago nasundan ito. Bakit naisipan niyang mag-teleserye muli?

"Ano naman ako, e, ayoko rin gumawa ng soap na kung ano lang ang role. 

"Siyempre gusto ko, medyo special yung role, di ba? 

"Dito kasi, ang role ko, tatay ni Alice. Sa side ng asawa ko, si Ana Roces, mga mangkukulam.  

"Ako, tao lang talaga ako dito. So, yun, kahit human lang ako, 'pinaglalaban ko ang anak ko."

Ito ang unang beses na gumanap na tatay ng isang tween star si Janno.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name