Grace Lee on President Noynoy Aquino's chances with her: "I don't think I'm gonna waste my time spending, you know, hours of my day trying to know a man if I was not interested."

Photo: Noel Orsal

"He's brilliant...I think, if not the most intelligent man I've met in my life."

Ganito inilarawan ng DJ-TV host na si Grace Lee si Pangulong Noynoy Aquino nang makapanayam siya ni Nelson Canlas kagabi, Pebrero 1, sa news program na State of The Nation With Jessica Soho ng GMA News TV.

Noong Miyerkules, Pebrero 1, ay umamin si PNoy na siya at si Grace ay "seeing each other."

Ngunit tumangging magbigay ng iba pang detalye si PNoy.

(CLICK HERE for related article.) 

Matapos ang pag-amin ng Pangulo'y naging usap-usapan ito sa loob at labas ng bansa, dahilan para mapunta ang atensiyon ng marami kay Grace.

Ang atensiyon na ito sa Kapuso host ang pinagmumulan ng pag-aalala ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang ina.

Sabi ni Grace, "Well, of course she's concerned.

"Kahit sino namang mom out there will be concerned [with] the sudden attention, [coming from] so many different media.

"So, worried siya."

Para naman sa manager ni Grace na si Arnold Vegafria, na eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, maituturing na "inspirasyon" ng Pangulo ang kanyang alaga.

Gayunman, may ilang paalala pa rin si Arnold para kay Grace.

Ayon sa talent manager, "Sabi ko nga sa kanya, 'Your life will not be the same again because you're linked with the President.

"'So, ang mga tao all eyes on you. So you have to be, you know, careful sa mga galaw mo."'