Sheena Halili on her costume as voodoo doll in Alice Bungisngis: "Di ba, sa Amaya nagrereklamo ako? Hindi naman sa nagrereklamo... Pero ngayon, balot na balot ako, di ba? Binigay naman ng GMA ang hinihiling ko! Binalot nila ako nang bonggang-bongga!"

Photo: Noel Orsal

Marami ang naaliw sa hitsura at costume ni Sheena Halili sa presscon ng early primetime series ng GMA-7 na Alice Bungisngis And Her Wonder Walis noong Martes, January 31.

Isang voodoo doll kasi ang role ni Sheena sa fantasy series bilang si Sinag.

Pero pagtatapat ng young actress, kung marami ang natutuwa na makita siya sa kanyang costume bilang isang voodoo doll, siya naman ay natakot. Lalo na nang may magkomento na "blooming" siya ngayon.

"Blooming ba? Kahit ganito na ang hitsura ko?" natatawang sabi niya.

"Pero benta naman siya sa mga bata. Kasi sa taping, may mga nanonood na bata.

"Hindi naman sila natatakot sa akin, iniikut-ikutan nila ako. 

"Siguro, sinasabi nila, 'Sino ba 'to?'"

WISH GRANTED. Medyo mahirap daw ang costume niya dahil mabigat na nga ang wig niya, may mahaba pa siyang eyelashes. Mainit din ang suot niyang damit dahil balot na balot nga siya.

Kabaligtaran nga raw noon sa kanyang role sa Amaya na halos wala siyang pang-itaas.

Kuwento pa ni Sheena, "Six in the morning ang call time ko kasi mahirap nga ang makeup, di ba?

"Pero kapag nag-uumaga na kami sa taping, maghapon na, hindi na ako nagsasalita.

"Mahirap kasi, lalo na yung lashes, kapag maghapon ka nang nakaganito.

"'Tapos ganito ang costume ko, mainit. Pero okay siya.

"Di ba, sa Amaya nagrereklamo ko? Hindi naman sa nagrereklamo...