Sheena Halili on decision not to enter into a relationship yet with Rocco Nacino: "Gusto ko rin na magawa niya ang trabaho niya nang maayos. Hindi naman ako nagpapaka-ipokrita. Siyempre, kapag mahal mo ang isang tao, may mararamdaman ka. Masasaktan ka. Kaya siguro mas maganda na ganito na lang muna para alam mo sa sarili mo, hindi puwede. Hindi pa puwede. E, kasi, paano kung ako rin ang nasa lugar niya? Siyempre, mahihirapan din ako."

Photo: Noel Orsal

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sheena kung ano ang reaksiyon niya na as early as now ay nali-link na sina Rocco Nacino at Kylie Padilla.

Magkapareha sina Rocco at Kylie sa upcoming afternoon soap ng GMA-7 na The Good Daughter.

Pero si Rocco ang nababalitang boyfriend ni Sheena, bagamat hindi pa nila ito kinukumpirma.

Naging balita kasi ang pagpunta ni Rocco sa surprise birthday party ni Kylie noong January 21, 2012. (CLICK HERE to read related story.)

Kaya marami ang nagtatanong kung ano ang naging reaksiyon dito ni Sheena.

Ayon kay Sheena, "Okay lang naman. Ako rin naman, kung may mag-i-invite din sa akin na may birthday, pupunta rin ako."

Nagpaalam ba si Rocco sa kanya nang um-attend ito sa birthday party ni Kylie?

"Hindi. Hindi naman niya kailangang magpaalam sa mga ganoong bagay. 

"Bakit naman magpapaalam... nanay? Handler?" natatawa niyang sabi.

 

TRAUMA WITH EX-BOYFRIEND. Sinabi noon ni Sheena na nagkaroon siya ng parang trauma sa naging relasyon nila noon ng StarStruck batchmate niyang si Rainier Castillo.

Bagamat sila sa totoong buhay, kailangan nila itong isikreto dahil may ka-loveteam na iba si Rainier noon—si Yasmien Kurdi.

Ngayong may katambal na iba si Rocco, bumabalik ba ang ganoong pakiramdam ni Sheena?

"Kaya nga hindi muna. Hindi muna... ayoko munang mag-boyfriend," makahulugang sabi niya.

Diretsahan niya bang sinasabi na ayaw muna niyang mag-boyfriend?

"Oo, kaya nga enjoy muna."

Paano kung paratangan siyang "denial queen" dahil hinala ng marami ay sila na ni Rocco pero hindi lang daw sila umaamin?