"I didn't want to burden her to wait kasi I'm gonna start school soon... After a couple of months, I head to the States. I don't want to put her through that na paghihintayin ko siya. I want her to be happy and I want her to meet that one person designed for her. We tried it pero ganun naman, e, trial and error. We tried it out, we're happy, but if it doesn't work out, hindi mo naman control," says Gab Valenciano about his reason for ending the relationship with actress Isabel Oli.

Photo: Noel Orsal

Nagsalita na ang ASAP mainstay na si Gab Valenciano kaugnay ng breakup nila ng aktres na si Isabel Oli at ang pagkaka-link niya sa young actress na si Coleen Garcia.

(CLICK HERE to read related story.)

Una munang nilinaw ni Gab sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isyu ng panonood nila ni Coleen ng PBA championship game sa pagitan ng Talk 'N Text at Powerade sa Araneta Coliseum.

Ayon sa lumabas na report, kasama nina Gab at Coleen sina Cesca Litton, Eric Tai, at ilan pang kaibigan. Pagkatapos ay tumuloy ang grupo sa Republiq kung saan nakitang sweet na sweet daw sina Gab at Coleen.

Hindi itinanggi ni Gab na lumabas nga sila ni Coleen, pero wala raw katotohanan na nililigawan niya ang young actress gaya ng nabalita.

Sabi niya, "It's true that we did watch PBA with Cesca Litton and Eric Tai.

"Because of that relationship, we grew as friends.

"Naging girlfriend ni Echo [Jericho Rosales] si Cesca and naging magkaibigan na rin kami.

"Eric naman is one of my best friends."

Kuwento pa ng binata, "That night talaga, lalabas kami dahil parang despedida sa friend namin, si AJ Rafael, a common friend, aalis na siya for the States.

"So, sabi namin, 'Why don't we just go together na lang?' And so we did naman.

"We knew this might come out, but we're friends, we have nothing to hide. 

"Hindi ako nanliligaw but I can't say na hindi ko siya type ligawan, kahit kanino pa.

"Because that's what exactly what I told people about Isabel nung friends pa kami. 

"I told people, 'No, we're just friends.' Pero look what happened?