Luis Alandy's birthday wish: A contract with the Kapuso network

Rose Garcia
Saturday, February 04, 2012 @ 03:33PM  |  14276 views

Luis Alandy was recently in Israel shooting an indie film, Migrante, directed by Joel Lamangan.

Photo By: Monching Jaramillo













Isa sa main cast si Luis Alandy ng bagong serye ng GMA-7, ang Broken Vow.

Si Luis ang tila lumalabas na tutulong at magmamahal  sa karakter na ginagampanan ni Bianca King.

Unang ipinakita sa trailer si Luis na tumulong kay Bianca nang tumalon ang huli sa ilog para magpakamatay.

Pero sa kabila no'n, tila may pagka-dark din ang karakter ni Luis sa serye. 

Kaya ang una naming tanong kay Luis nang makausap namin ito sa press conference ng Broken Vow noong Lunes, January 30, ay kung mabait o kontrabida ba siya sa bagong serye?  Siya ba ang savior ni Bianca o siya ang nagsamantala rito?

"Alam niyo, yun ang kinagandahan ng show na ito. Hindi kami stereotyped na bida o kontrabida; lahat kami may role na ginagampanan.

"Kailangan makita ng viewers yung connection ng mga characters," ang sabi ni Luis.

Base sa trailer, may impression na tila si Luis ang talagang nang-rape kay Bianca...

"Siguro abangan na lang nila.

"Naririnig ko palaging sinasabi yun kapag may nag-i-interview na abangan na lang nila," natatawang sabi pa niya.

So, hindi siya ang rapist?

"Sinabi ko nga, Si Dennis [Trillo] siguro," pagbibiro pa niya, dahil si Dennis ang nali-link na diumano'y boyfriend ni Bianca sa tunay na buhay.

Bukod sa bago niyang teleserye na Broken Vow, tinatapos din ni Luis ang shooting niya sa Migrante, isang indie film, sa direksyon ni Joel Lamangan. 

TRIP TO ISRAEL. May pagmamalaki sa kuwento ni Luis kung paano, sa pamamagitan nga raw ng Migrante ay nakarating siya sa Israel o mas kilala sa tawag na Holy Land.

Ayon nga kay Luis, "Yung makalakad ka sa nilakaran ni Hesus. 

1  2  3  4  Next »

Related Articles

21 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name