"That's their prerogative. Of course they have to do damage control and protect their endorsers."
Ito naman ang reaksyon ni Dolly Anne Carvajal sa letter na ipinadala sa kanya ng "Agency," na nag-handle ng TV commecial shoot nina Carmina Villarroel at Claudine Barretto.
Noong Enero 29, inilabas ng kolumnista sa national daily na Philippine Daily Inquirer ang umano'y tensiyon na naganap sa shoot.
Ayon sa kanyang artikulo: "First, Claudine requested that she be given the bigger dressing room, which Carmina readily agreed to. Then Claud asked if, instead of Mina, she could be the one to wear the white long-sleeved shirt. Again, Mina did not object. Later, Claud said she needed a nap. That was fine with Mina, too. The clincher was when Claud asked to deliver the longer line in the commercial. That was the last straw; Mina walked out."
Dinenay ito ng Agency, na nagsabing "baseless and unfounded" ang mga alegasyon.
(CLICK HERE to read story)
Pero pinaninindigan ni Dolly Anne ang kanyang istorya.
Ayon sa isang text message na ipinadala ni Dolly Anne sa managing editor ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na si Karen Pagsolingan kagabi, Pebrero 3, sinabi ng kolumnista na normal lamang na itanggi ng Agency ang lumabas sa kanyang artikulo.
Giit pa ni Dolly Anne, "In advertising, image is everything.
"They are doing their job and I am just doing mine."
Kaya naman, kahit pa hiningi ng Agency kay Dolly Anne—sa pamamagitan ng isang letter na may petsang February 3—na itama ang "misinformation," nanindigan ang anak ng yumaong si Inday Badiday tungkol sa kanyang sinulat.
Aniya, "I stand by my story."
Nilinaw din niya na hindi niya intensiyon na siraan ang produkto, pati na rin ang dalawang endorsers na sina Claudine at Carmina.
Nabanggit din niya, "I just told it like it is."
Bukod pa rito, kung hindi raw totoo ang naturang isyu ay dapat hinayaan na lang itong lumipas, at hindi na "todo effort" na maglabas pa ng pahayag.




0

