G Tongi has a Bachelor of Arts degree in Communication Studies with minors in Theater and Film from the University of California in Los Angeles (UCLA). Does she prefer to act or to direct?

"I'll always be an actor but I find a different fulfilment when I'm able to create [something or direct]," she says.

 

Photo: Elli Alipio

"The last time I was here was three years ago, diretsong hindi ako umuwi. Kasi nag-aral ako. I was studying at UCLA, University of California in Los Angeles.

"I graduated [last]December... so I have a Bachelor of Arts degree in Communication Studies with minors in Theater and Film," bungad na kuwento ng nagbabalik-showbiz na si G Tongi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nakausap ng PEP si G kagabi, February 3, sa Tanghalang Pasigueño sa Pasig City sa taping ng Nandito Ako, ang upcoming series ng TV5.

Bakit naisipan niyang iyon ang kursong tapusin?

"Kasi mahilig naman akong magsulat so I've always wanted to develop that and siyempre hindi pa rin mawawala yung film because gusto ko talagang matuto ng production."

Pinasok rin niya ang larangan ng pagsusulat.

"I have a column in the Philippine Star called "Oh My G." Today was the premiere [issue]  so I'm writing my next [column]."

At sa Nandito Ako, gaganap si G bilang si Cara na ina ng American Idol Season 7 runnerup na si David Archuleta na bida sa naturang series ng TV5.

AUDITIONS IN AMERICA. Habang nasa Amerika ay sinubukan ni G ang kapalaran niya sa Hollywood.

"I mean I've always been auditioning the whole time I was there.

"I've auditioned, I've gotten work as an actor but I do a lot of different things.

"You know Hollywood is not something... it doesn't happen overnight.

"And it's not just one project... and you become a star, di ba?

"Trabaho lang naman siya, but I mean most importantly... I really studied acting, I went to Lee Strasberg [The Lee Strasberg Theatre and Film Institute] for two years.

"Pinag-aralan ko talaga yung method, hindi lang siya trabaho, kumbaga pinag-aralan ko talaga."