Eula Caballero describes working with Aiko Melendez: "Na-pressure ako kasi sabi ko, 'My goodness, mga ganitong artista, mga big stars.' Alam mo talaga na magaling sila, it's a fact na talaga, so parang sabi ko, 'My goodness, paano kapag nagkamali ako sa lines ko?'"

 

Photo: Noel Orsal

Gumaganap bilang Holly Posadas si Eula Caballero sa Nandito Ako ng TV5.

Si Aiko Melendez ang gumaganap na ina niya.

Kumusta ang pakikipagtrabaho niya kay Aiko?

"Star-struck ako! Kasi pinapanood ko siya sa Reputasyon, pag wala akong ginagawa sa bahay, nanonood ako ng Reputasyon kahit na sabihin na natin na nasa kabilang network.

"Yung feeling na natakot ako, oo natakot ako!

"Kasi sabi ko... siyempre nararamdaman ko naman e, kasi baguhan pa lang ako tapos I don't know kung... hindi ko pa alam yung ugali niya so parang... hindi natakot, mali ako sorry.

"Na-pressure ako kasi sabi ko, 'My goodness, mga ganitong artista, mga big stars.'

"Alam mo talaga na magaling sila, it's a fact na talaga, so parang sabi ko, 'My goodness paano kapag nagkamali ako sa lines ko?

"'Paano pag hindi ko na-deliver ang lines ko? Ano kaya ang maging reaksyon niya?'

"So, sobrang mine-memorize at pinraktis ko yung lines ko," kuwento ni Eula sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Tapos nung mag-eeksena na kami, there was a time na parang ang dami ko ng mga iyak na eksena,  sobrang dami na, siguro nakaka-anim na sunud-sunod na ako.

"So nung may isa kaming eksena na kakaladkarin niya ako, sabi ko 'Shucks, hindi ko na talaga kayang umiyak!

"Sabi ko, 'Wala na talaga akong mailuluha talaga.'

"Sinabi ko sa acting coach ko, 'Hindi ko na kaya. Paano pag hindi ako nakaiyak?'

"Ang tindi ng eksena kasi nga kinakaladkad niya ako, e, sobrang masakit iyon for a daughter na gawin sa kanya ng isang ina.