Direk Mac Alejandre on Marian Rivera's surprise visit to the set of Nandito Ako: "Naglaan siya ng oras, dinala niya yung paborito kong pastry, niyakap niya ako, marami siyang binulong sa akin na ikinataba ng puso ko... In this industry, if you have a friendship na may ganung klaseng maturity and level-headedness, na may love and respect, may compassion and affection, of course nakakatuwa yun."

 

Photo: Noel Orsal

"No, di ako offended, pero naging consideration yun when I had to make a decision."


 
Isa sa pinagpapasalamat at ikinatutuwa ni Direk Mac sa TV5 ay malinaw sa kanya kung ano ang mga gagawin at mangayayari sa kanya sa loob ng apat na taon sa nasabing istasyon.

"Yun ang maganda sa TV5, when they talked to me, they have plans, malinaw ang latag. 

"Although I am not at liberty to talk about [them], I'll  say, Nandito Ako is a special project that they gave and alam ko marami kaming gagawin."


 
He also assured us na kung anuman ang nagawa niya sa GMA ay ipagpapatuloy niya iyon sa Kapatid network.

"It's OK. Management objective person ako, e. Malinaw sa akin kung ano ang dahilan ng pagpunta ko sa Tv5 at kung ano ang mga kailangan kong gawin.

"Walang problema. Kung ano ang ginagawa ko sa kabilang network para mabigyan sila ng mga programang makakatulong sa network objective, yun din ang gagawin ko dito.

"It's all management by objective."


 
MARIAN VISIT. Balita na dumalaw daw si Marian Rivera, isa sa malapit na kaibigan ni Direk Mac from GMA sa taping ng Nandito ako

Masayang ikinuwento naman sa amin ng direktor ang ginawang pagbisita sa kanya ng aktres.


"Si Marian ay matalik kong kaibigan at para kong anak, we worked together on  so many projects. 

"Nakatrabaho ko sa film, sa TV and even sa commercials. Ang relationship namin ay matagal na at ito ang naging basehan  para magkaroon  kami ng malalim na relasyon bilang magkaibigan.

"She's very supportive of me, ano lang 'yan e, home lang ang nabago, di ang pagkakaibigan, walang kuneksyon ang network sa friendship, wala talaga.

"Nung pumirma ako ng kontrata dito, nagte-textan kami at lagi niyang sinasabi na, 'Direk, kikitain kita.'

"Di ko naman alam kung matutupad agad-agad. Busy ako at busy din siya, so ang gulat ko kahapon. 

"Naglaan siya ng oras, dinala niya yung paborito kong pastry, niyakap niya ako, marami siyang binulong sa akin na ikinataba ng puso ko.

"... In this industry, if you have a friendship na may ganung klaseng maturity and level- headedness, na may love and respect, may compassion and affection, of course nakakatuwa yun."


   
Sa kabila ng lahat ng nangyari, is he still open to working with GMA?

"Of course I'm open to working with anybody in this field.